Malakanyang pinayagan na ang face-to-face classes sa iba pang college degree programs
INANUNSIYO ng Commission on Higher Education (CHED) na magkakaron na rin ng limited face-to-face classes sa iba pang kurso sa kolehiyo bukod sa medicine at allied health sciences.
Kasunod ito nang pagpayag ni Pangulong Duterte sa hiling ng CHED na magkaroon na rin ng face-to-face classes sa mga kurso sa kolehiyo na nangangailangan ng ‘hands-on’ o ‘practical’ classes.
Ngunit sinabi ni CHED Chairman Popoy de Vera ang limited face-to-face classes ay sa mga lugar lamang kung saan umiiral ang modified general community quarantine o MGCQ.
“The urgent need for hands-on experience and the safety of students taking up medicine and allied health courses, who were permitted by the national government to conduct limited face-to-face classes since January 2021, is the key for CHED to recommend on the expansion proposal,” sabi ni de Vera.
Ayon pa sa kanya, ang mga karagdagang kurso na maaaring magsagawa ng limited face-to-face classes ay ang Engineering and Technology programs, Hospitality/ Hotel and Restaurant Management, Tourism/ Travel Management, Marine Engineering, at Marine Transportation.
Naniniwala ang opisyal na ang desisyon ay magandang hakbang para sa pagsisikap na mapasigla muli ang ekonomiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.