Ogie Alcasid, Regine Velasquez nakipag-bonding kay Michelle van Eimeren kasama ang mga anak | Bandera

Ogie Alcasid, Regine Velasquez nakipag-bonding kay Michelle van Eimeren kasama ang mga anak

Therese Arceo |January 07,2023
facebook
share this

Ogie Alcasid, Regine Velasquez nakipag-bonding kay Michelle van Eimeren kasama ang mga anak

Therese Arceo - January 07, 2023 - 01:03 PM

Ogie Alcasid, Regine Velasquez nakipag-bonding kay Michelle van Eimiren kasama ang mga anak

MATAPOS ang tatlong taong hindi pagkikita ay muli na namang nakasama ng TV host-singer na si Ogie Alcasid ang mga anak na sina Leila at Sarah kasama ang dating asawang si Michelle van Eimeren.

Present rin siyempre sa reunion ang asawa nitong si Regine Velasquez at ang kanilang anak na si Nate.

Sa Instagram account nga ay ibinahagi ng mang-aawit ang kanilang larawan na kuha sa isang restaurant.

After [three] long years, we are all together again. By God’s grace,” maikling caption ng singer.

May ilan pa ngang larawan na tila kuha sa labas habang sila ay naglalakad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Marami naman ang natuwa at naantig sa post ng TV host-singer.

“Beautiful modern family. Only mature secure people can pull this off,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “so much love in this picture. Truly, only by God’s grace to make this one possible.”

“We love seeing family bondings. It really touches our hearts when we see families together. Family ties is still my favorite virtues up to now. Wish that more families still do. Happy New Year!” dagdag pa ng isa.

Si Michelle ay ang naging representative noong ng Australia sa Miss Universe 1994 na naganap sa Manila.

Taong 1996 naman nang ikasal silang dalawa ni Ogie ngunit Oktubre ng 2007 nang tuluyan nang ma-annul ang kasal nila.

Matapos ang annulment ay ikinasal si Michelle kay Mark Morrow samantalang naging girlfriend naman ng “It’s Showtime” host si Regine at tuluyan nang nagpakasal noong 2010.

Isang taon pagkatapos ikasal ay ipinanganak naman ni Regine ang anak nila ni Ogie na si Nate.

Sa kabila ng mga nangyari ay nanatiling maayos ang relasyon nila at talagang close na close ang mga ito kahit na magkakalayo.

Labis ngang nagpapasalamat si Regine kay Michelle sa kanilang maayos na relasyon ngunit inamin niya na nakakaramdam pa rin siya ng guilt dahil sa pagiging third party niya sa hiwalayang Ogie-Michelle kahit na matagal na siyang napatawad ng beauty queen.

Related Chika:
Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Ogie Alcasid niregaluhan ng bagong sasakyan ang inang nag-celebrate ng 90th birthday: ‘Love you so much, Ma!’

Ogie Alcasid nagpositibo sa COVID-19 kaya absent sa ASAP: Inabot din…let’s do this Lord!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending