Ogie Alcasid binati si Vhong sa kanyang birthday, magkasama sa worship group | Bandera

Ogie Alcasid binati si Vhong sa kanyang birthday, magkasama sa worship group

Therese Arceo |January 05,2023
facebook
share this

Ogie Alcasid binati si Vhong sa kanyang birthday, magkasama sa worship group

Therese Arceo - January 05, 2023 - 09:34 PM

Ogie Alcasid binati si Vhong sa kanyang birthday, magkasama sa worship group

SA pagpasok ng taong 2023 ay tila nas nagiging malapit ang “It’s Showtime” hosts na sina Ogie Alcasid at Vhong Navarro.

Spotted nga na magkasama ang dalawa at sa katunayan ibinahagi pa ng TV host-singer ang kanilang larawan kasama ang iba pang mga kaibigan at mga kasama niya sa pananampalataya.

“Our 11 year old small group!! Ty Jesus for the different testimonies of faith that we learn from each other,” saad ni Ogie.

Nagpasalamat rin siya sa komedyante sa pagsama sa kanyang worship group, “Only by your grace dear Lord! Ty pareng @vhongx44 for joining us also. Hallelujah!!”

Ang larawang ibinahagi ni Ogie ay ilan lang sa mga pagkakataong makikita si Vhong matapos ang pansamantala nitong pagkakalaya sa kulungan noong December 6.

Matatandaang nakulong ito matapos patawan ng “guilty” sa kasong rape na isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Sa kabila nito ay patuloy pa ring lumalaban si Vhong at marami na rin ang nag-aantay sa kanyang pagbabalik sa noontime show na “It’s Showtime”.

Sa katunayan, binati siya on air ng kanyang mga kasamahan sa kanilang noontime show sa pangunguna ni Ogie kahapon, January 4.

Maging sa kanyang Instagram account ay nag-post ito ng larawan nila na kuha sa kanilang paglalaro ng basketball.

“The joy of having a brother for life such as this man is priceless. Happy bday my bro. The Lord bless you and keep you,” mensahe ni Ogie.

Related Chika:
Regine Velasquez sa anniversary nila ni Ogie Alcasid: After 12 years mas mahal pa kita kaysa noon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Alcasid niregaluhan ng bagong sasakyan ang inang nag-celebrate ng 90th birthday: ‘Love you so much, Ma!’

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending