McCoy-Elisse, 2 pang showbiz couple na nagtatawagan ng ‘Mahal’ naghiwalay; may dala nga bang kamalasan sa relasyon?
NANINIWALA ba kayo na pati ang term of endearment ang tawagan ng mga magdyowa na “Mahal” ay may dalang kamalasan sa magkakarelasyon?
Siguradong yan din ang tanong ng madlang pipol matapos mag-viral ang isang social media post kung saan may tatlong showbiz couple nga na nagtatawagan noon ng “Mahal” ang naghiwalay na.
Pagpasok pa lang ng Bagong Taon ay hiwalayan na agad ang nagpainit sa mundo ng showbiz na siyang usap-usapan ngayon ng mga Marites sa social media.
Kahapon, mismong ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon ang umamin na break na sila ng kanyang live-in partner na si Elisse Joson kasabay ng paghingi ng sorry sa kanyang anak pati na rin sa madlang pipol.
Pero nilinaw naman ng aktor na walang third party sa break-up nila ni Elisse, “Wala po involved na ibang tao sa pinakarason kung bakit kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.
“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko,” aniya pa.
May isang social media personality ang nadadamay sa hiwalayang McCoy at Elisse, si Mary Joy Santiago na nag-react na rin sa nasabing issue.
“Instead of making assumptions about me and what I do how about you just ask.
View this post on Instagram
“So quick to believe things about a person without even knowing them or even simply having a conversation with them.
“You guys are on some childish type of sh*t and I’am not here for it,” ang post ni Mary Joy sa socmed pero deleted na ngayon.
At dahil nga rito, may lumabas sa socmed na isang post na halos lahat daw ng mga celebrity couple na nagtawagan ng “Mahal” ay nasira ang relasyon.
Base sa nakita naming post, bukod kina McCoy at Elisse, ang dalawa pang magdyowa na “Mahal” ang term of endearment ay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla at sina Paolo Contis at LJ Reyes.
Naglabas pa ng ebidensya ang ilang Facebook users about this kasabay ng pagkalat ng mga memes. Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na comments ng mga netizen.
“Kaya ako hindi na ako magmamahal. hahahaha! Pati sibuyas ang mahal!”
“Wala naman sa mga tawagan yan kung talagang manloloko ang lalaki maglolo yan!”
“Naku, beware na sa mga nagsasabi ng ‘Mahal’, iba pala ang mahal hahaha.”
“Buti na lang Love ang tawagan namin ng dyowa ko! Hahahaha!”
“Paki-ban na lang salitang ‘Mahal’ kung hindi naman kayang panindigan.”
“Sibuyas na lang ang mahal ngayon haha.”
“Buti na lang ‘Hoy’ ang tawagan namin hahahaha.”
“Yoko na magMAHAL haha.”
Naniniwala ka bang malas at may dalang panganib ang Ghost Month?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.