Sa wakas, Heart nagparamdam na tungkol sa hiwalayan nila ni Chiz: 'See you soon!' | Bandera

Sa wakas, Heart nagparamdam na tungkol sa hiwalayan nila ni Chiz: ‘See you soon!’

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Sa wakas, Heart nagparamdam na tungkol sa hiwalayan nila ni Chiz: ‘See you soon!’

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 10:38 AM

Sa wakas, Heart nagparamdam na tungkol sa hiwalayan nila ni Chiz: 'See you soon!'

Chiz Escudero at Heart Evangelista

“PINAGALAW na ni Ninang ang baso! Team KESO at PUSO tayo!”

Yan ang isa sa mga nabasa naming reaksyon mula sa mga netizens nang mag-post si Heart Evangelista sa social media patungkol kay Sen. Chiz Escudero.

Yes, yes, mga ka-Marites! Nagparamdam na nga ang Kapuso actress at tila sinagot na ang katanungan ng sambayanang Filipino kung totoong hiwalay na sila ng kanyang asawang senador.

Ilang buwan na ring hinihintay ng kanyang mga fans at socmed followers ang kanyang magiging pahayag tungkol sa chikang hiwalay na sila ni Chiz.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang fashion icon ng isang video kung saan ibinandera niya ang suot na relo with a dual time display.

May caption itong, “Living between two worlds — Paris and Manila.”

“Walking around Paris before heading home for New Year,” aniya pa.

Sa postscript ng kanyang IG reel, mababasa ang pasabog na linyang, “See you soon @escuderochiz.” Sinundan pa niya ito ng white heart at cheese emojis.

Ito ang unang pagkakataon na binanggit ni Heart ang pangalan ni Chiz sa kanyang socmed post makalipas ang ilang buwan mula nang mapabalitang naghiwalay na sila.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa IG post ng Kapuso star.

“Team Keso at Team Puso tayooooo foreverrrrr!!! charoott!”

“Owemjii its not yet the end.”

“OMG! Kahit wala akong na reciv na gift this Christmas itong post mo lang idol super happy na ang Pasko… Can’t wait to see the two of you in one picture again.”

“Pinagalaw na ni ninang ang baso!! Team keso at puso tayo!”

“Ayarn na! So fake news ang break up? Or nagkabalikan lang? Well ang mahalaga nagparamdam na sya.”

“It’s a YEY for me!!!”

“I love how a simple Ps shuts down all the rumors!”

Nitong mga nagdaang buwan ay pabalik-balik si Heart sa France para sa ilang commitments at raket. Kamakailan ay ibinalita niya na nakabili siya ng apartment doon dahil mapapadalas na raw ang pagpunta niya sa Paris.

So, wait na lang tayo sa susunod na pasabog na ni Heart tungkol sa relasyon nila ni Chiz.

Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

Paandar na regalo ng bride & groom para sa kanilang ninong at ninang sa kasal viral na: ‘Una’t huling kasal na natin ito ha’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending