Ogie iyak nang iyak nang regaluhan ni Regine ng Christmas Tree: Yun ang pinaka-memorable gift niya sa akin | Bandera

Ogie iyak nang iyak nang regaluhan ni Regine ng Christmas Tree: Yun ang pinaka-memorable gift niya sa akin

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Ogie iyak nang iyak nang regaluhan ni Regine ng Christmas Tree: Yun ang pinaka-memorable gift niya sa akin

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 10:42 AM

Ogie iyak nang iyak nang regaluhan ni Regine ng Christmas Tree: Yun ang pinaka-memorable gift niya sa akin

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

KNOWS n’yo ba na may isang regalo si Regine Velasquez na talagang iniyakan ng kanyang pinakamamahal na asawang si Ogie Alcasid?

Nitong nagdaang Pasko ay inalala ng Ultimate Singer-Songwriter ang pinaka-memorable na holiday gift na natanggap niya ever sa kanyang buhay.

Sa isang episode ng “It’s Showtime,” naibahagi ni Ogie sa madlang pipol ang naging reaksyon niya nang regaluhan siya noon ni Regine ng isang Christmas tree.

“Naaalala ko noong mga panahong mag-isa lang ako, kasi nahiwalay ako hindi ba?

“Si Regine dinalhan niya ako ng Christmas tree sa bahay ko. Kasi wala akong Christmas tree. Iyak ako nang iyak,” pagbabalik-tanaw ng TV host-comedian.

Aniya pa, “Yun ang pinaka-memorable gift sa akin ng partner ko na ngayon ay asawa ko na.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


Last week, nag-celebrate rin ang celebrity couple ng kanilang 12th wedding anniversary. Binati nila ang isa’t isa sa pamamagitan ng social media na pinusuan ng kanilang mga supporters at kaibigan sa showbiz.

“Happy 12th anniversary to the love of my life. Singing with you on our special day made me feel so in love with you all over again. What a blessing. Mahal na mahal kita,” ang mensahe ni Ogie kay Regine na ipinost niya sa Instagram.

Pagbati naman ni Regine sa kanyang hubby, “After 12 years kinikilig pa rin ako. After 12 years ikaw pa rin pinakapogi. After 12 years tawang tawa pa rin ako sayo.

“After 12 years umiiyak pa rin ako pag umaalis ka. After 12 years mas mahal pa kita kesa noon. Happy Anniversary Baba @ogiealcasid,” mensahe pa ni Ate Regs.

Ikinasal sina Regine at Ogie noong December 22, 2010 sa Terrazas de Punta Fuego na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas. Biniyayaan sila ng isang anak, si Nate.

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

#PaskongKaySaya: Pia Wurtzbach ibinandera ang Christmas tree, netizens may ibang napansin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘White Christmas’ theme ni Kim sa bahay hit na hit sa netizens: Never lose hope

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending