#AgawEksenaYarn: Top 9 Pinoy celebs na nag-trending ngayong 2022 | Bandera

#AgawEksenaYarn: Top 9 Pinoy celebs na nag-trending ngayong 2022

Therese Arceo |December 23,2022
facebook
share this

#AgawEksenaYarn: Top 9 Pinoy celebs na nag-trending ngayong 2022

Therese Arceo - December 23, 2022 - 01:07 PM

#AgawEksenaYarn: Top 9 Pinoy celebs na nag-trending ngayong 2022
NAGING makulay ang taong 2022 para sa napakaraming mga Filipino celebrities. Mula sa mga balitang pagpapakasal at pagkakaroon ng mga anak, mga pag-iibigang humantong sa dulo, at mga hindi inaasahang laban na kailangang kaharapin, marami sa mga celebrities ang talagang nagtrending ngayong taon.

Narito ang Top 9 celebrities na talaga namang pinag-usapan at gumawa ng ingay ngayong taon.

KRIS AQUINO

Puno ng pagsubok ang 2022 para sa Queen of All Media na si Kris Aquino sa aspeto ng kanyang kalusugan at lahat ng mga Marites ay sure na updated dito.

Matapos ang magandang balita kung saan ibinahagi niya na na-clear out na ang mga malulubhang sakit gaya ng diabetes at cancer noong Pebrero ay ang katakot-takot na series of tests ang pinagdaanan niya upang malaman kung ano ang lunas sa kanyang autoimmune disease.

Hindi rin siya pinatawad ng nakahahawang sakit na COVID-19 kung saan buong pamilya silang tinamaan noong Hunyo.

Sa ngayon ay nasa Amerika pa rin si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Bimb para sumailalim sa mga test na makapagpapagaling at makapagpapalakas muli sa kanya.

At kahit na mahirap at may iniindang sakit, walang laban ang hindi kakayanin ni Kris para makasama pa nang mas matagal ang mga minamahal na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

TONI GONZAGA

Isang rollercoaster ride ang naranasan ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ngayong 2022.

Mula sa araw ng kanyang pagho-host ng proclamation rally ng UniTeam hanggang sa pagiging ambassador ng Shopee kung saan talagang binoycott siya ng madlang pipol.

Sa kabila ng patuloy na pagkwestiyon sa kanya ng mga netizens patungkol sa pagiging “enabler” niya at ang kanyang patraydor diumano sa kanyang dating home network matapos ang pag-endorso niya kay Rep. Rodante Marcoleta, nanatili pa ring tahimik at tila wapakels ito sa mga negatibong komento sa kanya.

Nagkaroon pa nga ng “ungkatan ng past” dahil sa gigil sa kanya ng mga netizens ngunit tila mas naging abala na lang ito sa kanyang YouTube channel, talk show sa ALLTV, at MMFF 2022 film entry na “My Teacher”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

ZEINAB HARAKE

Sino nga ba ang hindi nakapanood ng Facebook live ng isa sa mga most followed social media influencer noong October matapos maglabas ng video post ng talent manager na si Wilbert Tolentino sa tila “pagtraydor” daw sa kanya ng una?

For sure ay updated ang lahat at maging ang mga live videos ng ibang influencers at celebrities na nadamay sa gulo ay hindi n’yo pinalampas, mga Ka-Bandera!

Bukod sa isa sa mga maituturing ma pinag-uaapang isyu sa pagitan nila ng talent manager, naging usap-usapan rin ang makulay na love life niya.

Mayo 2022 nga nang pumutok ang balitang hiwalay na sila ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee na ayon sa kanya’y nagloko habang ipinagbubuntis niya ang dapat ikalawang anak nilang si Baby Moon.

Sa kasamaang palad ay nakunan si Zeinab at namatay ang anak marahil na rin sa stress at anxiety na kanyang pinagdaraanan.

Sa kabila ng mga pinagdaanang isyu ay nananatili namang matatag ang social media influencer para sa dalawang anak na si Lucas at Bia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby🌙 (@zeinab_harake)

AJ RAVAL

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyu patungkol sa diumano’y magbubuntis ng sexy star na si AJ Raval.

Hulyo 2022 nang unang pumutok ang balita na buntis raw ang aktres matapos itong kumpirmahin ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Bagamat ilang beses na niya itong idinenay ay marami pa rin sa mga netizens ang hindi kumbinsido.

At nito nga lang Nobyembre nang iulat ni Ogie Diaz na diumano’y nanganak raw sa isang payak na ospital sa Pasig ang aktres at namataan pa nga raw na nag-aantay ang aktor at “ama” raw ng baby ni AJ na si Aljur Abrenica.

Naging tahimik naman ang aktres ukol sa isyu ngunit kasabay nito ay ang pagpo-post niya ng mga larawan kung saan makikitang flat ang kanyang tiyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

VHONG NAVARRO

Labis ang pagkagulat ng madlang pipol namg muling maungkat ang kasong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host-actor na si Vhong Navarro noong 2014.

Matapos nga ang ilang hearing sa korte ay pinatawan na ng warrant of arrest ang TV host para sa kasong rape at tuluyan nang nakulong noong Setyembre 19, 2022.

Bagamat una na siyang nagpunta ng National Bureau of Investigation para mag-bail para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa rin ni Deniece ay hindi na siya nakauwi dahil sa arrest warrant para sa kasong rape na non-bailable.

Nagpetisyon naman sila sa korte na payagan sila na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Vhong habang patuloy na nililitis ang kaso.

Pinanigan naman ito ng korte dahil sa diumano’y inconsistencies sa salaysay ni Deniece at pansamantala itong nakalabas ng kulungan noong December 6.

Sa ngayon ay ini-enjoy muna ni Vhong ang mga oras kasama ang pamilya at mga kaibigan matapos ang halos tatlong buwan na pagkakapiit sa kulungan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

DENNIS PADILLA

Naging isa rin sa mga topic ng mga dajilang marites ang komedyanteng si Dennis Padilla at ang hindi nito pagkakaintindahan sa pagitan ng mga anak niya kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon.

Noong June 2022 ay naging mainit na paksa ang tila online sagutan nila ni Leon na diumano’y napagod na raw sa ginagawa ng ama na pagkuha ng simpatya sa publiko para magkaayos silang mag-aama.

Nasaktan kasi ang binata dahil madalas na lang maging biktima ng pambabash ang mga kapatid lalo na si Julia sa tuwing may ipo-post ito patungkol sa kanila.

At noong nagkaroon ng interview si Julia sa ABS-CBN broadcaster na si Karen ay sunod-sunod rin ang naging post nito na tila kinokondena ang mga sinabi ng anak at nais pa nga rin nitong magpa-interview rin para naman masabi niya ang kanyang side of the story.

Ayon naman sa isang panayam kay Leon ay nanatili siyang bukas para sa muli nilang pagkakaayos mag-ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

MAINE MENDOZA

Muling naungkat ang dating isyu ng “Eat Bulaga” host na si Maine Mendoza matapos ang kanyang naging interview kay Ogie Diaz noong November 2022 kung saan napag-usapan nila ang AlDub, ang tawag sa tambalan nila noon ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Nabanggit kasi niya sa panayam na hanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwalang may “something” sa kanila ng dating ka-love team kahit na ilang buwan na silang magkarelasyong ng kanyang fiancé na si Arjo Atayde.

May mga nagsasabi raw kasi na ikinasal na noon pa mang sina Maine at Alden at may kambal itong mga anak at pinanghahawakan pa rin ito ng ilang mga die hard AlDub supporters kahit na pinabulaanan na niya ito.

At dahil nga muling natalakay ang isyu ay marami sa AlDub supporters ang nagkondena sa naturang interview at pilit na sinasabing mayroon pa ring AlDub.

Pero nitong buwan lang nang i-celebrate nina Arjo at Maine ang kanilang 4th anniversary together.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

BARBIE IMPERIAL

Bukod sa makulay na love life ng Kapamilya star na si Barbie Imperial ay naging maingay ang pangalan nito matapos masangkot sa isang diumano’y panunugod sa Viva sexy star na si Debbie Garcia noong October 2022 sa isang bar sa Quezon City na nag-ugat raw ng dahil sa selos.

Nauwi pa nga ang insidente sa demandahan matapos magsampa ng reklamo ni Debbie laban kay Barbie dahil sa tinamo nito nang sugurin siya ng dalaga.

Nitong buwan lang rin ng finally ay magsalita na si Barbie tungkol sa isyu matapos ang ilang linggong pananahimik.

Aniya, naka-move on na siya sa isyu at minabuti na lang na huwag magsalita lalo na’t idinaan na sa legal na paraan ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

ELLA CRUZ

Well sino nga ba ang hindi makakaalala sa famous line ni Ella Cruz na “History is like chismis”?

Ngayong 2022 ay naging matunog ang pangalan ng dalaga dahil marami talaga ang tumaas ang kilay at napakunot noo matapos niyang ihambing ang kasaysayan sa isang chismis.

Ito ay nagsimula nang matanong siya kung ano ang mga natutunan niya sa pelikulang “Maid in Malacañang” kung saan gumanap siya bilang si Irene Marcos.

Talagang katakot-takot na pangangaral ang inabot ni Ella mula sa mga netizens dahil tila sampal para sa mga historians ang kanyang sinabi lalo na’t hindi naman biro ang pag-aaral ng kasaysayan lalo na sa panahon ngayon kung saan talamak ang pagpapakalat ng fake news.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit may ilan rin na napagod nang i-call out ang dalaga dahil pakiramdam ng mga ito ay ginusto ng aktres para umingay ang pangalan at kanilang pelikula.

Sa kanyang naging panayam kay Boy Abunda ay inamin niyang labis siyang nasaktan dahil maging ang kanyang pamilya ay nadamay sa isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🪬 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨ (@ellacruz)

And it’s a wrapped! Iyan ang Top 9 celebrities na talaga namang naging laman ng usap-usapan at mga bulungan ng madlang pipol tuwing lunch break at weekend daldalan kasama ang kanilang mga favorite Marites squad.

Masasabing certified Ka-Bandera at award-winning Marites ka kung alam mo at updated ka sa lahat ng mga celebrities na aming nabanggit.

Hanggang sa susunod na taon, manatiling nakatutok sa BANDERA para sa mga maiinit na pasabog at chika sa mundo ng showbiz!

Related Chika:
#Pasabog: Maiinit na chikang tumatak sa madlang pipol kada buwan ngayong 2022

#PaalamNa: Pagbibigay-pugay sa mga celebrity, bigating personalidad na pumanaw ngayong 2022

Pang-world class yarn: 7 Pinoy celebs na kinilala sa iba’t ibang international filmfest

#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending