Maureen Wroblewitz may bago na nga bang dyowa, balak ipakilala sa madlang pipol 'when the time is right'? | Bandera

Maureen Wroblewitz may bago na nga bang dyowa, balak ipakilala sa madlang pipol ‘when the time is right’?

Therese Arceo |December 22,2022
facebook
share this

Maureen Wroblewitz may bago na nga bang dyowa, balak ipakilala sa madlang pipol ‘when the time is right’?

Therese Arceo - December 22, 2022 - 12:28 PM

Maureen Wroblewitz may bago na nga bang dyowa, balak ipakilala sa madlang pipol 'when the time is right'?
DIRETSAHANG inamin ng Asia’s Next Top Model cycle 5 winner at Miss Universe Philippines 2021 1st runner-up na si Maureen Wroblewitz na may bago nang nagpapatibok ng kanyang puso.

Nitong Miyerkules ng gabi, December 21, nag-post ang dalaga sa kanyang TikTok account ng isang maikling video clip gamit ang filter ng larong “Cards Against Humanity”.

“More of this in 2023” saad sa card filter na gamit ni Maureen pagkatapos ay nag-flip ito at sinabing “men”.

Saad niya sa caption, “i’m just kidding lol i already have someone [eyes emojis].

@mwrobi’m just kidding lol i already have someone 👀👀♬ Mahnoor – mk

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post ng dalaga.

“Hindi ko pa po tanggap Ms. Maureen,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hindi pa nga ako nakaka-move on may bago ka na HAHAHAHAHAHA.”

May isang netizen naman ang nagsabi kay Maureen ng “show us the someone mau” na sinagot naman niya ng “when the time is right”.

Kaya naman palaisipan sa mga netizens kung ang someone na tinutukoy niya ay ang lalaking kasama niya noong November sa Siargao kung saan nakuhaan silang sweet na sweet habang magkatabi sa swing sa tabing dagat.

Matatandaang ibinahagi ni Maureen noon sa kanyang ang video na may kayakap siyang lalaki. Pareho silang nakatalikod kaya hindi kita ang kanilang mga mukha.

Samantala, Hunyo rin ng taong ito nang maghiwalay sila ng singer-songwriter na si JK Labajo.

Mukha namang naging maayos ang break-up nina Maureen at JK base na rin sa naging Instagram post at mensahe nila sa isa’t isa.

“Personal growth” ang idinahilan ng mga ito at sinabing mutual ang naging desisyon nila na maghiwalay.

Related Chika:
Juan Karlos, Maureen Wroblewitz hiwalay na: Ikaw pa rin ang nag-iisa kong buwan

JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JK binago ang lyrics ng ‘Buwan’ after ng breakup nila ni Maureen: Ako’y sa yo, ika’y di akin…

Maureen Wroblewitz umaming inaatake pa rin ng depresyon: It’s OK not to be OK…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending