Cherry Pie, Edu strong pa rin ang pagmamahalan, isyung hiwalay na fake news lang | Bandera

Cherry Pie, Edu strong pa rin ang pagmamahalan, isyung hiwalay na fake news lang

Therese Arceo |December 21,2022
facebook
share this

Cherry Pie, Edu strong pa rin ang pagmamahalan, isyung hiwalay na fake news lang

Therese Arceo - December 21, 2022 - 04:31 PM

Cherry Pie, Edu strong pa rin ang pagmamahalan, isyung hiwalay na fake news lang
MARAMI sa mga netizens ang tila nag-iisip kung hiwalay na nga ba ang magdyowang sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

Ito ay matapos mapansin ng mga ito na tatlong buwan ngunit tila wala pa ring paramdam ang celebrity couple sa social media.

Usually kasi ay may pa-update sina Cherry Pie at Edu sa kanilang mga tagasuporta kaya naman tila nanibago ang mga ito dahil tahimik ang dalawa.

Ngunit napanatag nang muli ang mga tagasuporta ng dalawa matapos mag-post ang beteranang aktres sa kanyang Instagram noong December 14 ng kanilang get together nilang pamilya kung saan kasama niya ang kanyang nobyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

Mapapansin sa mga larawan na sweet na sweet pa rin ang dalawa na magkatabi at magkaakbay, maging ang mga ngiti ng mga ito ay pagkatamis-tamis.

“Welcome home Tas @trishalyssa !!! 3long years from NZ. We are all soo happy you’re finally able to come home for the holidays. Missing the rest of the Fun Fam. We’ll make the most of it, alright? Love you Tas!!!” caption ni Cherry Pie na may mga hashtags pang “#funfam”, “#happiesttimeoftheyear”, “#thankfulgratefulblessed”.

Makikita nga sa comment section ang palitan ng mensahe nina Edu at ng pamangkin ni aktres tanda na naging maganda at masaya ang pagkikita ng mga ito.

Samantala noong December 18 rin ay nag-post naman ang ama ni Luis kung saan kasama nina Edu at Cherry Pie ang gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla sa isang restaurant sa Quezon City.

Tinawag pa nga niyang “gorgeous” ang kasintahan na talagang nagpakilig sa mga supporters ng mga ito.

Kaya naman paniguradong hindi totoo ang mga iniisip ng iba na hiwalay na sina Edu at Cherry Pie dahil mukhang going strong pa nga ang dalawa.

Matatandaang noong November 2021 nang aminin ni Edu ang kanilang relasyon matapos siyang magpadala ng mensahe sa TV5 news anchor na si Cheryl Cosim.

Related Chika:
Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Edu Manzano, Cherry Pie Picache bet pang magka-baby: Ang ganda siguro ng anak natin

Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending