Pia sa 'toxic' culture ng mga Pinoy na 'utang na loob': Kailan ba mababayaran ang utang na iyan...relate na relate ako diyan! | Bandera

Pia sa ‘toxic’ culture ng mga Pinoy na ‘utang na loob’: Kailan ba mababayaran ang utang na iyan…relate na relate ako diyan!

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 04:27 PM

Pia Wurtzbach sa 'toxic' culture ng mga Pinoy: Kailan ba mababayaran ang utang na iyan...relate na relate ako diyan!

Pia Wurtzbach

GUSTONG malaman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung hanggang kailan “magpapabiktima” ang mga Filipino sa ilang umiiral na “toxic” mentality sa Pilipinas.

Isa na nga riyan ang walang kamatayang “utang na loob” na naging bahagi na ng kultura ng mga Pinoy na pinaiiral pa rin natin hanggang ngayon.

Sa latest episode ng kanyang online show na “Holding Space”, tinalakay nga ng actress at beauty queen ang iba’t ibang toxic cultural traits ng mga Filipino.

“May isa akong naalala na toxic culture ng Filipinos, ‘yung utang na loob, di ba? Kasi parang walang kamatayan na utang na loob.

“Parang kailan ba mababayaran ang utang na iyan? Parang kapag may mabuti kang ginawa sa isa, laging meron inaasahang kapalit,” ang pagbabahagi ni Pia sa mga kasamahan niya sa naturang digital show.

Aniya pa, “Relate na relate ako sa topic na to my goodness.”

Maraming netizens ang nag-share ng kanilang reaksyon sa topic nina Pia lalo na sa “utang na loob” mentality ng mga Pinoy. Narito ang ilan sa kanila.

“My late Uncle’s words about this stuck with me. Pag ang utang na loob sinumbat sa’yo bayad na yun.”

“Grabe no! Talagang nakakaloka na ang utang na loob na yan. Gamit na gamit yan kahit wala na sa lugar.”

“Magandang trait sana ng Filipinos ang pagtanaw ng utang na loob pero may mga umaabuso kaya nawawalan yung essence niya. Yung iba kahit bayad na sa utang na loob ayaw pa ring tumigil sa paniningil.”

“Just saying…walang kabayaran ang pagtanaw ng utang na loob kaya pang forever yan. Masyadong overrated ang utang na loob dito sa Pilipinas.”

Nasa ibang bansa ngayon si Pia kasama ang kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey. Magkasama silang magse-celebrate ng holiday season together with their families.

Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

John Lloyd: Utang ko ang buhay ko sa anak ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Padilla may taong pinatatamaan tungkol sa ‘closed mentality’: I regret having you as a memory…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending