Rihanna may pa-face reveal sa baby, pinusuan ng milyun-milyong netizens | Bandera

Rihanna may pa-face reveal sa baby, pinusuan ng milyun-milyong netizens

Pauline del Rosario |December 19,2022
facebook
share this

Rihanna may pa-face reveal sa baby, pinusuan ng milyun-milyong netizens

Pauline del Rosario - December 19, 2022 - 03:57 PM

Rihanna may pa-face reveal sa baby, pinusuan ng milyun-milyong netizens

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-post na sa kanyang TikTok account ang international pop superstar na si Rihanna.

At ang bumandera sa nasabing sharing app ay ang kanyang first baby!

‘Yan din ang unang beses na ipinakita ng singer sa publiko ang anak nila ng American rapper na si A$AP Rocky.

Ang video ng kanilang seven-month-old son ay kuha sa loob ng kotse at makikita ang pagiging masayahin ng tsikiting.

Caption naman ni Rihanna sa kayang post, “Hacked.”

@rihanna

Naghatid ng good vibes ang first video ni Rihanna sa milyon-milyong netizens.

As of this writing ay umaani na ng mahigit four million likes ang nasabing video at libo-libong fans na ang nagko-comment.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“What a precious little guy! That smile is priceless!!”

“He is going to definitely drive the ladies crazy when he gets older, great looking parents and an extremely adorable and handsome little guy they have”

“Omg stop. I can’t handle the cuteness!”

Wala pang rebelasyon ang singer kung ano ang pangalan ng kanyang baby, pero noong Mayo lang nang isinilang siya ni Rihanna.

Taong 2013 nang mag-umpisa ang pagkakaibigan nina Rihanna at A$AP Rocky.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ng dalawa na in a relationship na sila.

Samantala, kaabang-abang ang upcoming performance ni Rihanna para sa “Super Bowl 2023 halftime show” na nakatakdang mangyari sa darating na Pebrero.

Ayon pa sa singer, ito ang pinakamalaking ganap na mangyayari sa kanyang career.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juliana Parizcova Segovia pasadong ‘twin sister’ ni Rihanna, magkamukha nga ba?

Kumpirmado: Rihanna buntis na sa panganay nila ng dyowang rapper na si A$AP Rocky

#IkawNaSakalam: Rihanna certified bilyonarya na ayon sa Forbes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending