Kumpirmado: Rihanna buntis na sa panganay nila ng dyowang rapper na si A$AP Rocky
A$AP Rocky at Rihanna
CONFIRMED! Buntis na nga ang award-winning international pop singer na si Rihanna.
Nagdadalang-tao ngayon ang Barbados-born “Diamonds” singer o Robyn Fenty sa totoong buhay sa panganay na anak nila ng rapper na si A$AP Rocky.
Ito’y base na rin sa litrato nina Rihanna at A$AP Rocky na kalat na ngayon sa social media kung saan makikita silang naglalakad with matching holding hands pa at kitang-kita ang baby bump ng singer-actress.
Nakasuot pa si Rihanna ng jeans at hot-pink winter coat na nakabukas ang ibabang bahagi kaya naman lantad na lantad ang maubok niyang tiyan.
Ang photographer na si Miles Diggs ang nag-post ng nasabing picture sa Instagram na may caption na, “SHE IS!”
Ayon sa ulat, matagal nang magkaibigan sina A$AP Rocky at Rihanna bago pa silang maging magdyowa. Meaning, nagkadebelopan lamang sila nitong mga nagdaang taon.
View this post on Instagram
Sa panayam ng GQ magazine sa sikat na rapper noong May, 2021, sinabi nitong si Rihanna nga ang kanyang “love of my life” at nangangarap ding maging tatay pagdating ng panahon.
“I think I’d be an incredible, remarkably, overall amazing dad. I would have a very fly child,” aniya pa.
Sabi naman ni Rihanna sa isang interview, gusto niyang magkaroon ng tatlo hanggang apat na anak. Nagsalita rin siya about motherhood noong 2019 sa ginanap na 5th Diamond Ball sa New York City.
“I’m a black woman. I came from a black woman, who came from a black woman, who came from a black woman, and I’m going to give birth to a black woman. It’s a no-brainer. That’s who I am. It’s the core of who I am in spirit and DNA,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/289330/babae-bumabandera-3-patunay-ng-pamamayagpag-ng-mga-pinay-sa-tokyo-2020-olympics
https://bandera.inquirer.net/290034/ikawnasakalam-rihanna-certified-bilyonarya-na-ayon-sa-forbes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.