Rihanna magbabalik-entablado na after 6 years, fans abangers na sa kanyang ‘Super Bowl Halftime’ show | Bandera

Rihanna magbabalik-entablado na after 6 years, fans abangers na sa kanyang ‘Super Bowl Halftime’ show

Pauline del Rosario |January 16,2023
facebook
share this

Rihanna magbabalik-entablado na after 6 years, fans abangers na sa kanyang ‘Super Bowl Halftime’ show

Pauline del Rosario - January 16, 2023 - 04:03 PM

Rihanna magbabalik-entablado na after 6 years, fans abangers na sa kanyang ‘Super Bowl Halftime’ show

PHOTO: Instagram/@badgalriri

LALONG pinasabik ng international pop singer na si Rihanna ang kanyang fans.

‘Yan ay matapos niyang ibandera ang pasilip para sa pinaghahandaang performance sa “2023 Super Bowl Halftime Show” na magaganap sa Pebrero sa Glendale, Arizona sa Amerika.

Sa Instagram, mapapanood ang isang maikling video na kung saan ay ipinapakita niya ang kanyang signature fierce walk at may suot pang berde na kapa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by badgalriri (@badgalriri)

Ang pagtatanghal ni Rihanna sa Superbowl ay ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay muling masisilayan sa stage matapos ang anim na taong pagpapahinga sa music industry.

Wala pang detalye sa magiging performance niya, pero ang executive producer ng show ay ang hip-hop mogul na si Jay-Z.

Taon-taon inaabangan ang magarbong halftime performances sa Super Bowl na isa sa most-watched sporting event sa mundo.

Noong October 28 lamang ay inilabas na ni Rihanna ang kanyang comeback single na “Lift Me Up.”

Ang bagong solo song ng singer ay isa sa naging soundtrack ng bagong pelikula ng Marvel na “Black Panther: Wakanda Forever.”

Taong 2016 pa nang huling mag-release ng kanta ang singer at ito ang “Love on the Brain.”

Matatandaang kaya nahinto sa paggawa ng kanta si Rihanna dahil naging abala siya sa kanyang mga negosyo na may kaugnayan sa high-fashion collections, lingerie, at makeup.

Tinutukan niya rin ang pag-aalaga sa first baby nila ng American rapper na si A$AP Rocky na isinilang noong Mayo ng nakaraang taon.

Related chika:

Juliana Parizcova Segovia pasadong ‘twin sister’ ni Rihanna, magkamukha nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rihanna may pa-face reveal sa baby, pinusuan ng milyun-milyong netizens

Kumpirmado: Rihanna buntis na sa panganay nila ng dyowang rapper na si A$AP Rocky

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending