Dingdong sa Pinoy actors na pang-international ang datingan: Pinakamahusay sa mundo, maituturing na yaman ng bansa | Bandera

Dingdong sa Pinoy actors na pang-international ang datingan: Pinakamahusay sa mundo, maituturing na yaman ng bansa

Pauline del Rosario - December 19, 2022 - 11:53 AM
Dingdong sa Pinoy actors na pang-international ang datingan: Pinakamahusay sa mundo, maituturing na yaman ng bansa

PHOTO: Instagram/@dongdantes

PROUD na proud na ibinandera ng Kapuso Primetime King at AKTOR (League of Filipino Actors) President na si Dingdong Dantes ang ilang local artists na kinilala sa ibang bansa.

Kung aware kayo mga ka-bandera, sunod-sunod kasi ang mga nakuhang parangal ng mga artistang Pinoy sa international film festivals ngayong taon.

Sa Instagram ay inisa-isa nga ni Dingdong ang mga artista na nag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas.

Kabilang diyan sina Dolly De Leon, Jodi Sta. Maria, Soliman Cruz, Bart Guingona, Noel Sto. Domingo, Chai Fonacier, Stefanie Arianne, John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Shamaine Buencamino, at DMs Boongaling.

Caption ng Kapuso aktor sa kanyang IG post, “Nagbubunyi ang AKTOR (League of Filipino Actors) sa tagumpay na inaani ng mga Filipinong artista sa teatro, pelikula at telebisyon.”

Lahad pa sa caption, “Si Dolly de Leon ang unang artistang Pinoy na nominated sa Golden Globe Awards ng Estados Unidos. Nauna rito, itinanghal siyang best supporting actress sa Los Angeles Film Critics Award.

“Nagwagi naman si Jodi Sta Maria sa Asian Academy Creative Awards”

“Napansin din ang pag ganap ni Soliman Cruz sa Romanian film na To the North kasama sina Bart Guingona at Noel Sto Domingo; , Chai Fonacier sa Nocebo ng Amerika at si Stefanie Arianne ng Japanese film na Plan 75,” patuloy pa ni Dingdong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sey pa ng Kapuso Primetime King, “Itinampok din sa pelikula ni Lav Diaz na Kapag Wala nang mga Alon na tumanggap ng papuri sa IFFI GOA sina John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Shamaine Centenera at DMs Boongaling.”

Natutuwang sinabi ng aktor, “Ang mga tagumpay na ito ay karugtong ng mga naunang pagkilala sa mga artistang Filipino noon pa man – Charito Solis, Nora Aunor, Angeli Bayani, Jacklyn Jose, John Arcilla at iba pa.

“Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo, at maituturing na yaman ng bansa.”

Aniya, “Mabuhay ang Filipinong Aktor! (clapping hands emoji)”

Maraming celebrities ang napa-comment sa post ni Dingdong at tila proud din sa naabot ng mga kapwa-artista.

Ilan na riyan sina Baron Geisler, Jake Cuenca, Bianca Gonzalez, Lotlot De Leon, Jerald Napoles, at marami pang iba.

Related chika:

Dingdong Dantes proud maging ‘honorary member’ ng PMA ‘Sanghaya’ Class 2000

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

Dingdong ibinandera ang mala-resort na bahay nila ni Marian: 2 dekadang pinagsikapan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending