Sunshine OK ang lagay ng puso matapos makipaghiwalay kay Macky; hindi raw kalilimutan ang mga ex-dyowa | Bandera

Sunshine OK ang lagay ng puso matapos makipaghiwalay kay Macky; hindi raw kalilimutan ang mga ex-dyowa

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 07:50 AM

Sunshine OK ang lagay ng puso matapos makipaghiwalay kay Macky; hindi kalilimutan ang mga ex-dyowa

Macky Mathay at Sunshine Cruz

OKAY na okay naman daw ngayon ang lagay ng puso ng aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz sa kabila ng paghihiwalay nila ni Macky Mathay.

Sa nakaraang virtual mediacon ng kauna-unahang Vivamax Original movie ni Sunshine na “An Affair To Forget”, nagbahagi nga siya ng ilang detalye about her lovelife.

Natanong kasi ang aktres kung may mga naging karelasyon siya na  ayaw na niyang maalala at gusto nang makalimutan nang bonggang-bongga.

“No, wala. Kasi ang lahat ng affair that I had or love life I learned a lot from it,” mabilis na tugon ni Sunshine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Aniya pa, “Di ba ganu’n naman yun, eh. Hindi man nag-work meron tayong natututunan and it makes us a better person.

“It makes us stronger, so ang affair to forget lang na dapat n’yong abangan ay itong aking pelikula sa December 23,” pahayag ni Sunshine.

Dagdag pa niya, “But for me, I don’t have an affair that I want to  forget. All affairs that I had are worth remembering. Kasi meron tayong mga natutunan doon eh.

“Hindi man nag-work out, nag-share naman kayo ng pamamahal sa isa’t isa at na-inspired n’yo ang isa’t isa.

“At ang pinaka-importante doon hindi man nag-last or nawala man may natutunan tayo,” chika pa ng ex-wifey ni Cesar Montano.

Natanong din ang aktres kung ano nga ba talaga ang lagay ng kanyang puso matapos ang  umano’y paghihiwalay nila ni Macky Mathay?

“I am very blessed. I am very happy. Katatapos ko lang ng almost three months lock in taping for a TV project.

“I did three movies din, ito ngang An Affair To Forget, Pamilya Sa Dilim, Greatest Performance, and then I’m starting one again very, very soon.

“So walang dapat ireklamo. Blessed ako as well as my kids. My heart is okey,” sey ni Sunshine.

May nagtanong din kay Sunshine  kung maayos ba ang breakup nila ni Macky, “I don’t wanna talk that anymore. For now, I’m really not ready to talk about it, kung anuman ang meron o ang wala.

“I just want to focus right now sa mga ginagawa ko talaga,” sabi ni Sunshine.

Samantala, tungkol naman sa pagtanggap niya uli ng sexy projects,”If it’s from Vivamax or not wala namang kaso sa akin.

“Kasi when I read the script I fell in love with it kaagad. So, natawa lang ako at nagulat na bakit kailangan itago sa akin.

“Wala namang problema sa akin.Trabaho is trabaho, it is a blessing. And ako naman, malaki ang tiwala ko sa amng direktor na si Louie Ignacio na maiingatan ako.

“Of course, there are something that I need to protect lalo na tatlo na yung mga anak ko na mga dalaga na, pero I did one sexy movie na rin before, I was a cougar ng Cinemalaya at nagandahan naman ang mga anak ko and ito looking forward na rin sila,” lahad pa ni Sunshine.

Ka-join din sa “An Affair To Forget” sina Allen Dizon, Karl Aquino, at Angelica Cervantes, sa direksyon ni Louie Ignacio at mula sa 3:16 Media Network.

Mapapanood na ito sa December 23 sa Vivamax.

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

‘Breakup’ hugot ni Sunshine para nga ba kay Macky: Some people are only meant to stay in your heart not in your life…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz ibinandera ang pagkikita nina Cesar Montano at Macky Mathay sa debut ng anak: ‘In God’s perfect time always…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending