Osang sa 6th wedding anniversary nila ni Blessy Arias: Ikaw ang kanan sa tsinelas ko, ang takip sa aking kaldero at kalahati ng pagkatao ko | Bandera

Osang sa 6th wedding anniversary nila ni Blessy Arias: Ikaw ang kanan sa tsinelas ko, ang takip sa aking kaldero at kalahati ng pagkatao ko

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 07:47 AM

Osang sa 6th wedding anniversary nila ni Blessy Arias: Ikaw ang kanan sa tsinelas ko, ang takip sa aking kaldero at kalahati ng pagkatao ko

Nora Aunor, Rosanna Roces, Blessy Arias at Adolf Alex, Jr.

MULING ibinandera ng award-winning actress na si Rosanna Roces ang kanyang wagas na pagmamahal sa kanyang asawang si Blessy Arias.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ibinalita ni Osang na anim na taon na silang kasal ni Blessy at going strong pa rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Kalakip ang litrato nila ni Blessy, ibinahagi ni Osang ang sweet message niya para sa asawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 6th wedding anniversary.

“Happy 6th Wedding Anniversary Mahal ko! Kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko,” ani Rosanna Roces.

Sey pa ng premyadong aktres na huling napanood sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano”, kay Blessy raw niya nahanap ang tunay na pag-ibig, tunay na kaligayahan at kapayapaan sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennifer Cruz Adriano (@therealrosannaroces)


“Sa ‘yo ko nakita ang KASIYAHAN at KAPAYAPAAN ng puso ko na matagal kong hinanap kung kani-kanino.

“Ikaw ang Kanan sa Tsinelas ko…. ang nagsisilbing Takip sa aking kaldero… at ikaw ang Kalahati ng Pagkatao ko.

“Wala na akong mahihiling pa sa Diyos. Ibinigay Niya na lahat ng laman ng mga dasal ko,” ang kabuuang anniversary message ni Osang para kay Blessy.

Marami ang nag-congratulate sa mag-asawa at halos lahat ay nagsabing sana’y pang-forever na nga ang kanilang relasyon.

Ikinasal sina Rosanna at Blessy noong December 10, 2016 which was officiated by Reverend Crescencio Agbayani of the LGBTS Christian Church na ginanap sa Alexa’s Secret Garden, Antipolo City.

Isa sa mga tumayong principal sponsor sa kanilang wedding ay ang kaibigan ni Rosanna na si Superstar Nora Aunor.

Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen

Osang tulala sa pasabog na regalo ni Mega; fan-made anime video ng ‘Pepito Manaloto’ trending

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending