Rica Peralejo nag-explain sa isyu ng pang-iisnab: Sino ba yung tao na gustong magpa-picture 24/7 ng buhay niya? | Bandera

Rica Peralejo nag-explain sa isyu ng pang-iisnab: Sino ba yung tao na gustong magpa-picture 24/7 ng buhay niya?

Ervin Santiago |December 12,2022
facebook
share this

Rica Peralejo nag-explain sa isyu ng pang-iisnab: Sino ba yung tao na gustong magpa-picture 24/7 ng buhay niya?

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 07:14 AM

Rica Peralejo nag-explain sa isyu ng pang-iisnab: Sino ba yung tao na gustong magpa-picture 24/7 ng buhay niya?

Rica Peralejo

NAGLABAS ng saloobin ang aktres at celebrity content creator na si Rica Peralejo tungkol sa issue ng pang-iisnab at pangdededma ng mga artista sa kanilang mga fans.

May isang netizen kasi ang nagtanong kay Rica sa pamamagitan ng kanyang TikTok account kung bakit “snobbish” daw siya noon kapag may gustong magpa-picture sa kanya.

Ito’y sa gitna nga ng kontrobersyal na pangdededma umano ng isang grupo ng professional volleyball players sa ilang fans nang magbakasyon sila kamakailan sa Boracay.

Ayon kay Rica, hindi naman daw sa nang-iisnab siya ng mga fans, may mga pagkakataon lang daw na hindi niya mapagbigyan ang mga nagpapalitrato sa kanya, lalo pa nga’t isa siyang introvert.

“Honestly, this is something I’ve been wanting to talk about as an artista kasi alam niyo nagsimula talaga ako mag-artista 12 pa lang ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)


“And I’ve always suffered from the ‘you need to be nice and kind and accommodate everyone when you’re going out.’ I think on so many levels, nahihirapan ako kasi first introvert ako,” pahayag ng celebrity mom.

Ipinagdiinan ng vlogger na ilang taon din ang lumipas bago siya  nakapag-adjust sa sistema at kalakaran sa showbiz. Aniya, tao lang din sila na may pribado pa ring buhay.

“When we’re out it’s not as if we’re out because we’re going to engage people, it’s really more of like running errands or being with ourselves.

“So it’s like catching the celebrity in a very ordinary kind of day mood like seriously, sino ba yung tao na gustong magpapicture 24/7 ng buhay niya,” katwiran pa niya.

Dugtong ni Rica, “Binigyan ko lang kayo ng perspective kasi siyempre minsan we also feel bad when we can’t accommodate everybody, kasi tama kayo, when we’re out were actually doing normal people things.

“But iniintidi nalang namin na siyempre ganu’n talaga kapag public figure ka,” sabi pa ni Rica Peralejo.

Deanna Wong kinawayan at nginitian ang isang fan sa El Nido, bumabawi nga ba matapos ang ‘pangdededma’ issue?

Rica: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rica Peralejo hinangaan sa post tungkol sa ‘self-love’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending