Nadine Lustre hinding-hindi idi-delete ang viral photo sa Siargao: Sobrang gusto ko ‘yung reactions ng mga tao
“HINDI ko pag-alaga sa sarili ko, hindi po ako natutulog tapos puro junk food ang kinakain ko,” ito ang sagot ni Nadine Lustre sa tanong kung ano ang gusto niyang i-delete na ginawa niya sa buhay niya.
Ito ang bagong sagot ng aktres sa ginanap na grand mediacon ng pelikulang “Deleter” na entry ng Viva Films ngayong Metro Manila Film Festival 2022 mula sa direksyon ni Mikhail Red.
Nabanggit kasi niya sa unang mediacon ng “Deleter” na gusto niyang i-delete ang pagiging gastadora niya.
Sa pagpapatuloy ni Nadine, “Marami po kasing times na especially recently na naisip ko na sana mas inalagaan ko ang sarili ko, sana mas natulog pa ako.”
Nagkaroon kasi ng karamdaman recently si Nadine pero hindi naman daw grabe kaya natutunan niya na sana, “tineyk advantage ko na malakas pa ang katawan ko, sana (mas) inalagaan ko pa.”
Natanong din kung gusto niyang i-delete ang viral photo niyang bumili siya ng Mang Tomas sauce noong nasa Siargao siya.
“Hindi ko idi-delete, personally I was really entertained when that photo came out, sobrang gusto ko ‘yung reactions ng mga tao especially ‘yung mga reactions na may nag-edit, nag photoshop ng sarili nila, merong mga tao talaga na noong nasa Siargao sila nag-photo talaga sila do’n (lugar kung saan siya bumili ng Mang Tomas).
“Meron pang iba na ginawang costume nu’ng Halloween, so, hindi,hindi ko siya ide-delete sobrang na-amuse ako, gusto ko ‘yung mga memes, may mga funny videos ganyan. Nakakatuwa na makita ‘yung sarili ko sa mga photos,” natatawang sagot ng aktres.
Ang “Deleter” ay mapapanood na sa December 25 at kasama rin sa pelikula sina Jeffrey Hidalgo, Louise delos Reyes at McCoy de Leon.
View this post on Instagram
* * *
Umaapaw na aksyon at kilig ang hatid ng pinakabagong Thai boys’ love (BL) series na “Never Let Me Go,” na mapapanood nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC sa Disyembre 13 ng 9:30 PM (Manila time) kasabay ng airing nito sa Thailand.
Tampok sa romantic action drama ang tambalan ng Thai stars na sina Naravit Lertratkosum at Phuwin Tangsakyuen. Ipapalabas ang bagong episodes kada Martes sa original Thai language, habang available naman ang Filipino-dubbed episodes kada Biyernes ng 8:30 PM (Manila time) simula Disyembre 23.
Susundan ng “Never Let Me Go” ang komplikadong buhay at samahan ni Neungdiao (Phuwin) kay Palm (Naravit), ang gwapo niyang bodyguard na unti-unting magpapatibok ng kanyang puso.
Galing sa isang mayaman na pamilya si Neungdiao dahil sa kanyang tatay na nagmamay-ari ng maraming negosyo. Ngunit isang trahedya ang sasapit sa kanilang pamilya nang patayin ang tatay ni Neungdiao.
Dahil dito, mabubulgar ang sikretong mga negosyo ng kanya ama, na hindi alam nina Neungdiao at nanay nitong si Tanya (Rasee Watcharapolme), dahil isa pala siyang lider ng mafia ng mga iligal na casino at drug trafficking ring.
Sa kabila ng pambu-bully kay Neungdiao sa eskwelahan dahil sa masamang reputasyon ng kanyang ama, mapipilitan si Tanya na ituloy ang mga iligal na negosyo ng kanyang asawa.
Malalagay naman sa panganib ang kanilang buhay dahil sa kanilang mga kasosyo, kabilang dito si Supakit (Nat Sakdatorn), ang tito ni Neungdiao na gustong makialam sa kanilang negosyo.
Para protektahan ang kanilang pamilya, kukunin nila bilang bodyguard ni Neungdiao si Palm, ang anak ng matagal nang katiwala ng ama ni Neungdiao. Mangangako si Palm na gagawin niya ang lahat upang protektahan si Neungdiao sa kanilang mga kalaban at unti-unti na ring mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.
Hanggang saan ang kayang isakripisyo nina Neungdiao at Palm para sa isa’t isa kapag parati na lang nasa panganib ang kanilang buhay kapag magkasama sila?
Bukod sa “Never Let Me Go,” napapanood pa rin nang libre sa iWantTFC ang iba pang Thai series tulad ng “F4 Thailand Boys Over Flowers,” “Bad Buddy,” “Baker Boys,” “2gether,” “Still 2gether,” “Theory of Love,” “Dark Blue Kiss,” “A Tale of Thousand Stars,” at “The Shipper.”
Mapapanood nang libre sa Pilipinas ang “Never Let Me Go” simula Disyembre 13 ng 9:30 PM (Manila time) sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature nito.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Related Chika:
Si Nadine Lustre na nga ba ang bagong ‘Andi Eigenmann’?
Nadine Lustre gustong i-delete sa buhay ang pagiging gastadora noon: Kapag naiisip ko, sayang talaga
Nadine umaming ‘masokista’ pagdating sa pagpili ng project: Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.