Tuesday Vargas inulan ng pamba-bash, road manager ng love team na 'nang-snob' sa kanya nag-sorry | Bandera

Tuesday Vargas inulan ng pamba-bash, road manager ng love team na ‘nang-snob’ sa kanya nag-sorry

Therese Arceo |December 07,2022
facebook
share this

Tuesday Vargas inulan ng pamba-bash, road manager ng love team na ‘nang-snob’ sa kanya nag-sorry

Therese Arceo - December 07, 2022 - 01:14 PM

Tuesday Vargas inulan ng pamba-bash, road manager ng love team na 'nang-snob' sa kanya nag-sorry
UMANI ng pambabatikos ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas matapos itong magbahagi sa social media ng diumano’y pangdededma sa kanya ng dalawang baguhang artista.

Marami kasi ang nagsasabi na ang KDLex o ang tambalang nina KD Estrada at Alexa Ilacad ang tinutukoy nito sa kanyang buradong Facebook post.

Wala namang pangalang binanggit si Tuesday kung sino ang mga nang-dedma sa kanya sa isang event at ang sinabi lang nito ay mga “baguhang” artista.

Nitong Lunes, December 5, ay sinabi ng host-comedienne na tumawag na raw sa kanya ang road manager ng love team na diumano’y nang-snob sa kanya upang humingi ng paumanhin.

Lahad ni Tuesday, “Ok so now ako mag po post kasi kahapon nagpapahinga lang ako at may sakit ako dahil dire diretso din ang trabaho. Ang RM ng mga bagets ay tumawag sa akin para umamin at mag sorry ng kamalian nila. Una ay dine deny pa na merong isnaban na naganap, then when I relayed what happened.

“She said ‘ay opo pasensya na po kayo kasi nagmamadali po talaga kami’. Guys we are all missing the point here. I am not petty and its really ok if hindi nila ako nakita at hindi reciprocated ang pag bati. Madaming iba pang naganap that day at hindi ko na iisa isahin pa.”

Ani Tuesday, marami na rin siyang napagdaanan bilang dalawang dekada na siya sa showbiz industry kaya niya pinapangaralan ang mga nakababatang artista.

“Pero I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata. Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makaka buti,” dagdag niya.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga fans na patuloy siyang kinukuwestiyon at bina-bash sa diumano’y pagiging “petty” nito at pagpo-post kahit na hindi pa raw niya alam ang side ng magka-love team.

“If mahal nyo ang mga idol nyo, kung sila man yun kasi di naman sila pinangalanan sa mga post, ay wag nyong i feed ang ego at i tolerate ang mga ugali na pwedeng itama. Para sa kanila yun at sa ikaka galing nila. Sabihin nyo na lahat about me, pero never discount what happened,” sey ni Tuesday.

Sa huli ay sinabi niyang sana ay itigil na ang awayan sa social media lalo na’t wala naman ang mga ito sa pangyayari.

Banat ni Tuesday, “Huwag na kayong mag away away at mag butangan sa soc med kung sino ang tama at mali at wala naman kayo doon nung nangyari yun.

Ang mahalaga we are shedding light on this issue. Kami lahat di kami perpektong mga tao at bilang Ate nila ay nagsalita ako upang maayos na sa susunod.”

Related Chika:
Tuesday Vargas naloka sa dalawang ‘ma-attitude’ na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto

Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuesday Vargas: Batang palengke talaga ako kung saan lahat de-takal at lahat pwedeng tingi-tingi lang

Tuesday Vargas hugot na hugot sa 42nd birthday, feeling blessed: Hintayin n’yo kapag nag-50 na ‘ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending