Angelica Panganiban nawindang sa biniling swimsuit: P7k 'yung amount pero pinababayaran ng P8,211 | Bandera

Angelica Panganiban nawindang sa biniling swimsuit: P7k ‘yung amount pero pinababayaran ng P8,211

Therese Arceo - December 06, 2022 - 04:22 PM

Angelica Panganiban nawindang sa biniling swimsuit: P7k 'yung amount pero pinababayaran ng P8,211

NA-SHOOKT ang Kapamilya actress at first-time mommy na si Angelica Panganiban patungkol sa na-order niyang swimsuit.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang pagkawindang sa kanyang shopping experience at nagtanong sa madlang pipol kung paano nga ba mako-contact ang Bureau of Customs.

“Hmmm… pano ma contact ang customs? May binili akong swimsuit, 7k yung amount. Pero pinapabayaran ako ng 8,211 pagka deliver sa akin naloka po me,” pagbabahagi ni Angelica.

Talaga nga namang maloloka ka kung ang mas mahal pa ang tila delivery fee sa naturang item na iyong binili.

Marami naman sa mga netizens ang to the rescue at sumagot sa tweet ni Angelica.

“Hi Ms Angelica, Licensed Customs Broker here, kung yung items mo ay 10k pesos and below (USD converted to Peso) dapat Wala ka ng babayaran na duties and taxes, probably baka may service charge yan ng delivery company,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hindi po dapat kayo siningil kasi less than 10k yung value ng inimport mo.”

“Normally included shipping sa initial charge unless stated na hindi. And pinakamalaking shipping charge i encountered is 3k. No customs charge if less than 10k amount ng purchase,” sey naman ng isa.

May iba naman na tila naka-relate kay Angelica at ibinahagi rin ang kanilang experience sa pagbabayad ng napakalaking tax para lang makuha ang kanilang mga items.

“Relate ako dito. Nagpdala ako ng package sa pinas from Finland mga pang pasko lang ng anak ko. Nagbayad ako sa post office dito ng 7000pesos Express delivery para umabot tapos pagdating sa pinas 3 weeks pa bago nagpadala ng notice tapos 15,622 bayad namin para ma release,” chika ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Spluk pa ng isa, “Same issue with me. Mine are chocolates and coffee lang that arrived from France last June 6 but I had to keep on following up until I learned from the cust service na may tax fee of 3.5k to claim it. Pero I didn’t even get a notice from them about it.”

At ngayong araw nga ay sinagot ng Bureau of Customs ang panawagan ng aktres.

“Good day, Angelica. We will look into this matter. To assist you with your concern, you may contact the Bureau of Customs hotline at 8705-6000. You may also send the tracking details of your package through email at [email protected]. Thank you very much,” reply ng social media handle ng ahensya.

Agad namang umani ito ng reaksyon mula sa netizens at napa-“sana all” na lang sa naging pagresponde ng Bureau of Customs sa aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bela naloka sa sistema ng Bureau of Customs: Hello! You guys, OK?

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Angelica binatikos dahil sa tanong tungkol sa sinisingil na tax sa Customs; pati nananahimik na boobs dinamay

Angelica Panganiban kinilig sa regalong ‘lactation treats’ ni Jennylyn Mercado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending