Carla Abellana, Kris Bernal nangaroling para makalikom ng pera pangtulong sa 2,000 aso't pusa | Bandera

Carla Abellana, Kris Bernal nangaroling para makalikom ng pera pangtulong sa 2,000 aso’t pusa

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 08:19 AM

Carla Abellana, Kris Bernal nangaroling para makalikom ng pera pangtulong sa 2,000 aso't pusa

Kris Bernal at Carla Abellana

KUMASA ang mga Kapuso actress na sina Kris Bernal at Carla Abellana sa “caroling for a cause” para makalikom ng pera na ipangtutulong nila sa mga nangangailangang hayop.

Mapapanood ang pangangaroling ng dalawang celebrities sa bagong YouTube vlog ni Kris kung saan kinarir nga nila ang pagkanta ng mga Christmas songs.

Nagkasama kasi sa Noel Bazaar sa World Trade Center ang dalawang Kapuso stars hanggang sa maisipan nga ni Kris na makipag-collab kay Carla para sa isang vlog.

Sabi ni Kris, nagpadala raw siya ng message kay Carla at niyayang gumawa ng isang vlog. Dito nga nila naisipan na mangaroling para makaipon ng pera na gagamiting pangtulong sa 2000 stray cats and dogs.

Siyempre, pumayag naman agad si Carla sa paanyaya ni Kris dahil nga malapit sa puso niya ang mga aso at pusa lalo na yung mga inaabandona at basta na lamang pinababayaan at iniiwan sa mga lansangan.

Sabi ni Carla, “Hindi ko ‘yan hihindian basta para sa mga rescued na aso at pusa. Tutulungan natin ‘yan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Tuwang-tuwa naman si Kris nang pumayag si Carla na mag-guest sa kanyang YouTube channel. Aniya, matagal na niyang gustong makasama si Carla sa vlog.

“Si Carla mabait talaga siya, lagi siyang nagri-react sa mga pictures at stories.

“Very friendly siya, even sa ibang mga artista. Napapansin ko talaga, at hindi siya ‘yung artista na hindi siya magre-reply. Magre-reply siya sa ‘yo,” papuri pa ni Kris sa ex-wifey ni Tom Rodriguez.

Isa si Carla sa mga local celebrities na talagang hindi tumitigil sa pagtulong sa mga hayop na nangangailangan ng kalinga at tulong.

“Thousands of strays are euthanized on a weekly basis at City Pounds all over our country. Be a responsible pet owner too. Spay/neuter your pets to avoid unwanted pets who end up becoming strays. Do not abandon. Having a pet is a lifetime commitment.

“We will try to save what we can, but many of them have underlying conditions already. The adoption fee is cheap – vettings and sustenance are what’s hard on our part. If you wish to help, please spread the word. We badly need adopters,” aniya pa sa isang Instagram post.

70 na ang alagang aso’t pusa ni Jona sa bahay; gumagastos ng P70k kada buwan

Yassi nag-birthday kasama ang mga aso’t pusa: My heart is so, so full!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending