Brandon Vera nagretiro na sa MMA matapos ang 2 dekada: Thank you for all the love
NAGRETIRO na sa mixed martial arts (MMA) ang Filipino-American athlete na si Brandon “The Truth” Vera matapos ang dalawang dekada.
Inanunsyo niya ‘yan mismo matapos ang laban kamakailan lang sa Iranian fighter na si Amir Aliakbari noong December 3 sa Pasay City.
Natalo ang MMA legend sa first round palang ng laban dahil sa technical knockout.
Ibinandera pa ni Brandon ang kanyang farewell speech sa Instagram at sinabing, “Pasensya na. Kababayan, ang tagal ko nang ginagawa ‘to mga 20 plus years na.”
“Eto ngayon, you just witnessed The Truth’s very last fight in MMA. I love you all. Thank you for all the love. Thank you for all you’ve given me MMA. ONE Championship. I’ll be around,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Maraming fans naman ang napa-comment sa Instagram post ni Brandon at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“Congratulations on everything, brandon! you made your dent in the universe and are now a beloved national hero to every filipino around the world!”
“Witnessing his retirement live is such an emotional scene. All hail to the legend. Big respect to the great warrior Brandon ‘The Truth’ Vera”
“It’s been watching you compete. You have a hell of a body of work man! So many great fights, high energy entertainment, and true martial arts spirit!!! Best of wishes for your retirement!!!”
“Congratulations on your career. Much respect brother”
Mula noong 2005 hanggang 2013 ay naging maganda ang kanyang karera sa Ultimate Fighting Championship (UFC) na kung saan ay nakipaglaban siya ilang sikat na MMA fighters, kagaya nina Jon Jones, Randy Couture, at marami pang iba.
Taong 2014 ay pumirma siya sa Asia’s largest sports media property na “ONE Championship” at siya ang kauna-unahang heavyweight champion.
Bukod sa MMA ay naging artista din si Brandon sa Pilipinas.
Una niyang pinagbidahan ang hit action film na “Buy Bust” noong 2018 na kung saan ay nakasama pa niya ang aktres na si Anne Curtis.
Related chika:
Mikee Cojuangco napasabak sa mundo ng showbiz matapos magka-injury sa pangangabayo
JC de Vera sa pagiging Kapamilya: Naging actor ako, ‘yun ang pinakamasarap sa pakiramdam
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.