Sunshine Dizon naka-confine sa ospital, na-diagnose ng bronchitis: Thank God it’s not COVID
KASALUKUYANG nagpapagaling sa ospital ang aktres na si Sunshine Dizon.
Bukod sa kanyang mental health issues ay na-diagnose din siya ng bronchitis o pamamaga ng parte ng respiratory system na nagdadala at naglalabas ng hangin sa baga.
Sa social media ay ibinandera niya ang kanyang latest photo na may swero sa kamay at nakasuot ng oxygen mask.
Lubos din siyang nagpapasalamat dahil nagnegatibo siya sa COVID-19.
Hiniling pa niya sa publiko na patuloy siyang ipagdasal, pati na rin ang mga taong may pinagdadaanan na katulad niya.
Caption niya sa Facebook, “So this is my best effort to look cute and feel my rays of sunshine to uplift my spirits. So far thank God its not covid. Again I tested NEGATIVE FOR COVID.”
“So far what my Pulmo is saying is Bronchitis. I know prayers work wonders so do please pray for me and everyone you know battling something (red heart emoji),” aniya.
Maraming netizens naman ang nagpaabot ng “get well wishes” sa aktres at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.
“Have a speedy recovery and get well soon.”
“My prayers are on the way, get well soon my dear…”
“Wishing you a speedy recovery, Shine!”
“Get well miss Shine,,, always praying for your safety and protection we love you (red heart emoji)”
Kamakailan lang ay inamin ng aktres na may pinagdaraanan siya sa kanyang mental health.
Ibinandera pa nga niya sa isang Instagram post na na-diagnose siya ng PTSD o post-traumatic stress disorder, depression, panic attacks, at abandonment issues.
Ibinahagi rin niya ang iba’t ibang mga gamot na kanyang tine-take upang makatulong sa kanyang kondisyon gaya ng xanor, jovia, rivotril, at stilnox.
Ani Sunshine, bagamat mahirap ay alam niya at naniniwala siyang makakayanan niyang i-overcome ang kanyang pinagdaraanan.
“But we can do it, baby steps. One day at a time,” sey niya sa post.
Related chika:
Sunshine Dizon inaming maraming ‘regrets’ sa buhay, nag-open up sa pagkakaroon ng depression
Sunshine Dizon dedma sa bashers: May 2 anak ako, kailangan kong magtrabaho
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.