Sunshine Dizon, Lovi Poe lilipat na rin sa ABS-CBN? | Bandera

Sunshine Dizon, Lovi Poe lilipat na rin sa ABS-CBN?

Ervin Santiago - April 20, 2021 - 11:11 AM

KALAT na ang chika na dalawang Kapuso actress ang hindi na nag-renew ng kontrata sa GMA 7 at balitang nakatakda na ring lumipat sa ABS-CBN.

Usap-usapan na ngayon ang umano’y pag-oober da bakod nina Sunshine Dizon at Lovi Poe sa Kapamilya Network dahil nga natapos na raw ang kanilang kontrata sa GMA.

Marami kasi ang nakapansin na sa kulang-kulang 100 bagong show ng Kapuso station na in-announce ng network kamakailan, hindi nabanggit ang pangalan nina Sunshine at Lovi sa mga bibida sa alinmang programa.

Ayon pa sa mga kumakalat na balita, makakasama raw si Sunshine sa gagawing teleserye sa Dos ng dati ring Kapuso actress na si Janine Gutierrez with Paulo Avelino.

Halos 25 years ding ding naging tahanan ni Sunshine ang GMA kung saan nabigyan siya ng malalaking proyekto. Huli siyang napanood sa katatapos lang na Kapuso afternoon series na “Magkaagaw.”

Samantala, tungkol naman kay Lovi, umeere pa ngayon sa GMA ang primetime series nila ni Benjamin Alves na “Owe My Love” ngunit balitang ito na raw ang magsisilbing last project niya bilang Kapuso.

Ito ay kung totoo ngang tinanggap na niya ang offer na maging Kapamilya.

Wala pa kasing inilalabas na official statement ang kampo ng aktres hinggil dito at malamang baka hintayin muna nilang matapos ang show ng dalaga sa GMA bago sila magbigay ng announcement.

Noong July, 2020 pa natapos ang three-year exclusive contract ni Lovi sa GMA kaya naman libreng-libre na siyang mag-transfer sa ibang TV network.

Sabi pa noon ni Lovi sa muli niyang pagpirma ng kontrata bilang Kapuso, “GMA has always been my home, and I’m just happy po na nandito ako ngayon signing a contract with my network.

“Nagpapasalamat ako dahil palagi nila akong binibigyan ng opportunity to actually work on what I’m really passionate about, which is acting and performing in front of the people who are supportive,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, abangan na lang natin ang susunod na kabanata hinggil dito dahil sigurado namang maglalabas ng opisyal na pahayag sina Sunshine at Lovi sakaling tuluyan na nga silang magpaalam sa GMA 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending