Jake Cuenca bet maging ‘transgender’ sa pelikula: I want to do something that I know I can’t do
MUKHANG hindi masyadong na-challenge ang aktor na si Jake Cuenca sa kanyang gay role sa upcoming movie na “My Father, Myself.”
Ibinunyag niya kasi na gusto naman daw niyang gampanan ang maging isang ‘transgender.’
Sa isang one-on-one interview presscon na ginanap noong November 29 ay umamin pa siya na isa ito sa mga role na nakalista sa kanyang bucket list.
Sey ni Jake, “If I do another gay role, it has to be trans kasi nagawa ko na, eh. I’ve done this, I’ve done that.
“I want to do something that I know I can’t do, I want to do roles that get me out of my comfort zone.”
Paliwanag ng aktor, gusto niyang ma-challenge na talagang malayo raw sa kanyang pagkatao.
Aniya, “I try to look for the things that’s farthest away from my personality or the farthest thing away from my lifestyle.”
“I live for the challenge. ‘Yun ang natutunan ko sa sarili ko rin. I love acting and I love the process,” dagdag pa ng aktor.
Ang karakter ni Jake sa “My Father, Myself” ay bilang isang gay human rights lawyer at ito na ang kanyang ikatlong gay role movie.
Sinabi pa ni Jake na ang kanyang role sa bagong pelikula ang pinaka madaling gay role niya.
“Actually, this is the most realistic kasi he’s a lawyer, successful, pinaka-close to home. I didn’t have to imagine too many things. Everything was there na. I didn’t need to visualize anything,” ani ng aktor.
Patuloy pa niya, “I wanna do this role now when people are paying attention, while the attention is still on me. I want this movie to make an impact. I don’t want it to just fade away.
“It’s timely for me kasi ngayon ako pinapansin ng tao. I want them to see me doing this. I want them to see me doing this character.”
Related chika:
Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.