Ariella Arida handa na sa 2013 Miss Universe pageant: Gagawin ko lahat, para ito sa bayan! | Bandera

Ariella Arida handa na sa 2013 Miss Universe pageant: Gagawin ko lahat, para ito sa bayan!

Ervin Santiago - October 04, 2013 - 03:00 AM

Ariella Arida

Hindi iniinda ni Bb. Pilipinas-Universe Ariella Arida ang matinding pressure para sa pagsabak niya Miss Universe ngayong Nobyembre.

“Sa simula pa lang, parang lahat ay umaasang makuha ko ang titulo. Pero kaya ko naman siya i-handle. Nagpapasalamat din ako kasi naging motibasyon ko pa ‘yong pressure,” sabi ni Ariella sa interview ni Anthony Taberna sa Tapatan Ni Tunying kahapon sa ABS.

Matapos ang magkakasunod na panalo nina Venus Raj, Shamcey Supsup at Janine Tugonon bilang mga runner-up sa mga nagdaang Miss Universe pageant, at nina Megan Young sa Miss World at Mutya Datul sa Miss Supranational kamakailan, mas tumindi pa ang pag-asa ng mga Pilipino si mapapanalunan ni Ariella ang korona ng Miss Universe this year.

Balewala raw para kay Ariella ang matinding pressure at hirap sa paghahanda gayong mahal niya raw ang kanyang ginagawa,

“Wildest dream ko ang maging beauty queen. Simula nang mapanood ko si Miriam Quiambao, nasa grade school pa ako noon ay doon na nagsimula. Sabi ko, posible ‘yong dream ko na ‘yon, pwede kong maabot.”

Inaasahan naman ni Ariella ang suporta ng bawat Pilipino sa araw ng kompetisyon na gaganapin sa Russia, “Sana suportahan nila ako ng buong puso. Hindi lang ako lumalaban para sa sarili ko, para ito sa bayan,” dagdag pa ng Pinay beauty queen.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending