Hannah Arnold nasa Japan na para sa 2022 Miss International, ibabandera na ang Pilipinas: 'Labaaan!' | Bandera

Hannah Arnold nasa Japan na para sa 2022 Miss International, ibabandera na ang Pilipinas: ‘Labaaan!’

Pauline del Rosario |December 01,2022
facebook
share this

Hannah Arnold nasa Japan na para sa 2022 Miss International, ibabandera na ang Pilipinas: ‘Labaaan!’

Pauline del Rosario - December 01, 2022 - 10:31 AM

Hannah Arnold nasa Japan na para sa 2022 Miss International, ibabandera na ang Pilipinas: 'Labaaan!'

PHOTO: Instagram/@arnoldhan_

KASALUKUYANG nang nasa Japan ang ating pambato para sa 2022 Miss International pageant na si Binibining Pilipinas International Hannah Arnold.

Makikita sa kanyang Instagram stories ng beauty queen ang ilang posts mula sa kanyang flight galing Pilipinas hanggang sa makarating ng Tokyo.

May story pa nga siya na ipinakita ang assigned roommate niya ay si Miss International Spain Julianna Ro.

Pero bago ‘yan, nakapag-post pa si Hannah bago lumipad papuntang Japan.

Sa IG post, makikita ang ilang litrato na suot ang mala-Filipiniana look at hawak pa ang watawat ng Pilipinas.

Ayon pa sa kanya, hindi siya makapaniwala na irerepresenta na niya ang ating bansa sa upcoming international beauty pageant competition.

Sey niya sa caption, “Cannot believe the time has finally come to raise our flag (Philippine flag emoji)”

Pinasalamatan pa niya ang dalawang pageant organization, pati na rin ang mga sumusuporta sa kanya.

Sabi niya sa post, “Thank you Binibining Pilipinas and Miss International for this once in lifetime opportunity and of course thank you to all of you for the never ending support. I cannot wait to meet all of the delegates in a little while. See you soon Japan (airplane emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hannah Consencino Arnold (@arnoldhan_)

Napa-comment sa kanyang post ang ilang Pinay beauty queens.

Gaya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nagsabing, “Labaaan!!!”

Ayon naman kay Miss Universe Philippines 2021 1st runner-up Maureen Wroblewitz, “Wishing you all the best Queen!!! You got this (red heart emoji)”

May mensahe din si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Gomez at sabi niya, “Proud of you Hannah! You got this!!”

Kamakailan lang ay humingi na ng dasal at suporta si Hannah at ayon pa sa kanya, 68 na mga kandidata ang kanyang kakalabanin sa darating na pageant.

Nanawagan din siya sa mga Pinoy na huwag kalimutang bumoto.

Caption niya sa post, “In just 5 days, 68 of us delegates will finally come together and live our dream on the international stage (relieved face emoji) Please do continue to pray for our journeys and don’t forget voting opens upon our arrival in Japan (Smiling face with heart eyes emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hannah Consencino Arnold (@arnoldhan_)

Makukuha na kaya ng Pilipinas ang ikaapat na korona ng Miss International?

Ilan lamang sa mga Pinay queens na nakapag-uwi ng Miss International title ay sina Lara Quigaman, Bea Santiago, at Kylie Verzosa.

Ang 2022 Miss International pageant ay mangyayari sa Tokyo, Japan sa December 13.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hannah Arnold humingi ng dasal at suporta bago sumabak sa Miss International pageant

Justine Felizarta nasa Vietnam na para sa Miss Tourism World pageant; Bb. Pilipinas International Hannah Arnold binigyan ulit ng send-off

Bb. Pilipinas Hannah Arnold kering-kering pagsabayin ang science at pageantry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending