Tony Labrusca apektado pa rin kapag tinatawag na bading, nagsalita na tungkol sa ‘dyowa’ raw niyang si Alex Diaz
AMINADO ang hunk actor na si Tony Labrusca na naaapektuhan siya sa paulit-ulit na lang na pagkuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.
Matagal nang natsitsismis na bading daw ang binatang aktor at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mamatay-matay at usap-usapan pa rin ng mga Marites sa social media.
Sa interview ni Ogie Diaz kay Tony sa kanyang YouTube channel ay naitanong nga ang aktor tungkol sa mga guwapo at hunk sa showbiz na pinagdududahan ang gender at kabilang na nga siya roon.
“For a long time or actually even ’til now, minsan naaapektuhan ako. Pero, wala na kasi akong magagawa doon. Hindi ko na dapat yun problema, e. Alam mo yun?
“But that’s just my opinion. Alam ko, lot of people have different opinions, pero I can’t change the way people see me, e.
View this post on Instagram
“I only have control over how I treat people and on my actions,” paglilinaw ng Kapamilya actor.
At dahil nga sa isyung ito ay muling naungkat ang controversial airport incident na kinasangkutan ng binata noong January, 2019.
Ito yung nagwala umano ang aktor sa immigration dahil hindi nilagyan ng stamp ang kanyang passport dahil hindi raw siya Filipino at kulang ang kanyang mga dokumento.
Kasabay din nito ang pagkalat ng tsismis na magdyowa raw sila ng hunk actor din si Alex Diaz dahil magkasama nga silang bumiyahe mula sa Canada pabalik ng Pilipinas.
Natawa muna si Tony bago nagsalita about the controversy, “Akala kasi nila yung kasama ko is dyowa ko, di ba?
“Pero sa totoo lang, ako kasi taga-Vancouver, yung kasama ko taga-Alberta. The only flight that brings you back to Manila is from Vancouver.
“Yung tao na ‘to, best friend ko siya. So, sabi namin, ‘O sige, ano,’ mag-bungee jumping kami sa Whistler, sabay na kami tapos sabay na rin kami uuwi,” paliwanag ni Tony.
Patuloy pa niyang paliwanag, “Pag-uwi namin, e, hindi nga ako Pinoy passport holder, nandito ako sa US side, du’n siya sa Pinoy side.
“Tapos ang dami ko na lang narinig na, yun nga, kasama ko daw dyowa ko, inaawat ako. Magka-holding hands daw kami du’n. Alam mo yun? Paano?
“Hindi nga ako Pinoy (passport holder), hindi ako returning citizen, so andun ako sa kabila. Paano kami maghu-holding hands? Paano niya ako inaawat dun, hindi naman ako nagsisigaw sa gitna ng airport?” natatawa pa ring pahayag ng hunk actor
“Ang dami kong nakikitang video sa YouTube, ayun, magdyowa raw kami, nakita daw kami sa airport. Nu’ng pinanood ko, wala naman. Alam mo yun? So, wala na akong magagawa du’n,” sabi pa niya.
Samantala, nagsalita rin si Tony tungkol sa kinasangkutang kaso noong 2021 kung saan sabay na nagsampa ng magkahiwalay na reklamo sa Makati Prosecutor’s Office ang isang babae kasama ang jeweler na si Dennis Ibay.
Aggravated slight physical injury ang ikinaso ni Dennis kay Tony habang two counts ng acts of lasciviousness ang isinampa ng babaeng complainant. Parehong ibinasura ng korte ang mga nabanggit na reklamo.
Reaksyon dito ni Tony, “Yun nga yung nakakatawa, di ba, kung may issue sa akin na bakla ako, lahat maniniwala.
“Tapos kung may issue naman ako na nambabastos ng babae, biglang lahat ng tao naniniwala din na totoo yung balita. So, parang, hindi ako mananalo kahit saan, di ba?” aniya pa.
Sa tanong kung bakit nabasura ang mga kasong isinampa laban sa kanya, “Hindi kasi naging consistent yung mga story and hindi strong enough yung evidence na binibigay.
“Du’n ko din na-realize na, alam mo, lahat tayo dapat meron tayong konting knowledge din pala sa law,” pagbabahagi pa ni Tony Labrusca.
Tony umaming napraning nang magka-COVID-19; Barbie may malalim na hugot para sa pamilya
Tony pangarap gumanap na superhero, type makatambal si Nadine: Feeling ko ang cool niya!
TikTok video nina Tony at Raymond nabahiran ng malisya: E, ano naman kung sweet sila?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.