Tony pangarap gumanap na superhero, type makatambal si Nadine: Feeling ko ang cool niya! | Bandera

Tony pangarap gumanap na superhero, type makatambal si Nadine: Feeling ko ang cool niya!

Ervin Santiago |May 10,2022
facebook
share this

Tony pangarap gumanap na superhero, type makatambal si Nadine: Feeling ko ang cool niya!

Ervin Santiago - May 10, 2022 - 07:05 AM

Nadine Lustre at Tony Labrusca

KAKAIBANG acting experience ang naranasan ng hunk actor na si Tony Labrusca sa Hollywood movie na “Asian Persuasion” na pinagbibidahan ni KC Concepcion at ng iba pang international stars.

Isang linggo nanatili sa Amerika ang Kapamilya star para sa special appearance niya sa directorial debut ng Tony and Grammy-winning producer na si Jhet Tolentino.

Kuwento ni Tony sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Breath Again” opposite Ariella Arida, super nag-enjoy daw siya sa shooting ng “Asian Persuasion” kahit maikli lamang ang exposure niya rito.

“I had fun doing ito. At kakaiba rin yung style ng shooting du’n compared dito sa Philippines. But nag-enjoy ako, kaming lahat habang ginagawa namin yung mga eksena,” pahayag ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)


“It’s a fun cameo, so you’ll see me in the movie at some point. The film will also be shown here in the Philippines maybe later this year or early next year,” aniya pa.

Bukod kay KC, makakasama rin sa Hollywood romantic-comedy film na ito ang Filipino-American actor na si Dante Basco, Paolo Montalban, Celia Au, Kevin Kreider, Scarlett Sher at Ami Sheth.

Bukod kay Tony, may special appearance rin sa movie sina Apl de.Ap ng Black Eyed Peas, standup comedian Rex Navarette, Rachel Alejandro, Yam Concepcion at Fe delos Reyes.

Samantala, very proud din si Tony sa bago niyang movie, ang Vivamax original na “Breath Again” directed by Raffy Francisco na kinunan pa sa napakagandang karagatan ng Anilao, Batangas.

Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa June 3 kung saan makakasama rin sina Ivan Padilla at Jela Cuenca. Dito, napalaban nga ang apat na bida sa matitinding hubaran at sex scenes.

Panoorin n’yo na lang kung sinu-sino sa kanila ang tumodo sa pakikipaghalikan at sa mga pasabog na love scenes.

In fairness, talagang nagpapayat daw si Tony para sa mga bago niyang projects, “Nag-diet ako, then my face got smaller, so tinuloy-tuloy ko na. Nagpapayat ako talaga. Bilog ang mukha ko before.

“When I did ‘Glorious,’ gusto ko ‘yung mukha ko noon. Feeling ko ang guwapo-guwapo ko. Ha-hahaha!” sey pa ng binata.

And speaking of “Glorious” kung saan nakatambal niya si Angel Aquino, muli raw siyang gagawa ng ganitong klase ng project (May-December love affair) na ididirek ni Connie Macatuno.

At kung may isang female artist daw na nais niyang makatrabaho in the future, yan ay walang iba kundi ang award-winning actress na si Nadine Lustre.

“I really want to work with Nadine because I like the way she handles herself.

“Feeling ko ang cool niya. Hopefully, one day we can work together. Makikita mo alam niya kung ano ang gusto niya at gagawin niya kung ano ang gusto niya,” sabi pa ni Tony na nangangarap ding gumanap na isang superhero.

https://bandera.inquirer.net/283097/tony-umaming-napraning-nang-magka-covid-19-barbie-may-malalim-na-hugot-para-sa-pamilya

https://bandera.inquirer.net/288211/pwede-rin-akong-mag-romcom-na-hindi-ko-kailangang-magpakita-ng-katawan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288211/pwede-rin-akong-mag-romcom-na-hindi-ko-kailangang-magpakita-ng-katawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending