Coleen Garcia sa pag-aalaga kay Amari: Hindi siya ma-tantrum, ang dali-dali niyang alagaan
NAPAKALAKI raw ng ipinagbago sa ugali at mga pananaw sa buhay ng TV host at aktres na si Coleen Garcia mula noong maging nanay na siya.
Ibang-iba na rin ang mga priorities niya ngayon sa buhay – siyempre bukod sa pag-aasikaso sa kanyang husband na si Billy Crawford, super hands on mom din siya sa kanilang anak na si Amari.
Ayon kay Coleen, kahit medyo challenging ang pagkakaroon ng sariling pamilya, fullfilling naman at ang saya raw sa pakiramdam na nagagampanan niya nang bonggang-bongga ang pagiging wife and mother.
Sa guesting niya sa radio show na “Hapinay”, natanong ang celebrity mom kung nag-mature ba siya nang ipanganak si Amari, “Definitely. I mean, ang sama naman siguro kung hindi ako nag-mature all this time. That would mean I must be doing something wrong.”
View this post on Instagram
“‘Yung mga experiences talaga, they’re so humbling. Mari-realize mo na parang ang dami ko pa palang hindi alam.
“And then when you change that mindset, it makes you more open to learning, to absorbing information,” chika ng aktres.
Aminado rin si Coleen na hindi madali ang pagiging nanay dahil napakaraming bagay daw ang dapat i-consider, lalo na pagdating sa usaping kalusugan.
“Kasi kapag buntis ka, parang may formula, eh. You have to eat this, you have to do this, bawal gawin ‘to. Pero kapag may baby na, ibang-iba na. Walang handbook, ‘di ba, kasi iba-iba lahat ng bata.
“It’s really something you learn along the way. Kailangan open ka talaga to learn, kasi kung close-minded ka as a parent, mapapalayo sa ‘yo ‘yung bata.
“Kailangan open ka, kasi tao ‘yan, eh. We’re all different as people. You have to treat that child as a little human being.
“‘Yung respect na ibinibigay mo sa kanya, ganu’n din ‘yung respect na ibinibigay mo sa mga adults,” paliwanag ni Coleen.
Napakahalaga raw pala ng “communication” sa pagitan ng ina at ng anak. Napatunayan niya raw yan kapag kinakausap niya si Amari at nakikitang nagre-react ito sa mga sinasabi at ginagawa niya.
Inalala pa ng celebrity mom yung panahong sumasagot siya sa kanyang magulang at sinasabihang wala raw respeto. Pero para sa aktres, mahalagang maipaliwanag ang iyong sarili kapag may issue sa pamilya.
“I think that’s something that lot of us forget or we overlook. Na-experience ko rin ‘yun, noong bata kami, kapag magsalita ka, or if you question certain things, ibig sabihin sumasagot ka na sa magulang.
“Kailangan, as a parent, treat it as, kailangan matuto ng bata. Kailangan mong turuan.
“In the future, iniisip ko, kung may mga itatanong siya, kung may rules ako at iku-question niya, ii-explain ko nang mabuti. Hindi ‘yung, basta sinabi ko, gawin mo. Ayoko ng ganoon,” paliwanag pa ng misis ni Billy.
Kuwento pa niya tungkol kay Amari, “Since I invested so much time noong baby siya, we’re so in sync, ang lakas talaga ng connection namin and I really understand him so well. Kilalang-kilala ko siya nang buong-buo.
“Ngayon na toddler siya, it’s not so hard. Kasi ang pinakamahirap talaga sa toddler stage ay communication.
“As long as you know how to communicate, at ma-address mo ‘yung needs ng bata, hindi siya ma-tantrum, kasi nakukuha naman niya ‘yung kailangan niya.
“Si Amari, napakadali. Napakadaling alagaan talaga. Sobrang, sobrang blessed talaga kami sa kaniya,” sabi pa ni Coleen na talagang iniwan muna ang career para matutukan ang pag-aalaga sa anak.
Nasa France pa rin sina Coleen at Billy kasama si Amari at plano nilang bumalik ng Pilipinas next month para dito mag-celebrate ng Christmas.
Coleen isinama ang anak sa lock-in shoot: Hanggang ngayon kasi breastfeeding pa rin ako
Billy, Coleen emosyonal sa 1st birthday ng anak na si Amari
Coleen Garcia payag mabuntis at manganak uli pero mas gusto munang tutukan si Amari
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.