Paalala: LRT-1 hindi muna magsasakay ng mga pasahero sa Dec. 3 at 4 | Bandera

Paalala: LRT-1 hindi muna magsasakay ng mga pasahero sa Dec. 3 at 4

Pauline del Rosario - November 27, 2022 - 11:49 AM

Paalala: LRT-1 hindi muna magsasakay ng mga pasahero sa Dec. 3 at 4

PHOTO: Facebook/Light Rail Manila Corporation

ABISO para sa mga commuter, lalo na sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1)!

Pansamantalang hindi muna masasakyan ang tren sa darating na December 3 at 4.

Ayon sa private operator na Light Rail Manila Corp. (LRMC), kailangan kasi nilang paghandaan ang muling pagbubukas ng Roosevelt Station.

Ibinandera rin mismo ng LRT-1 operator ang anunsyo sa isang Facebook post at sinabing, “Magkakaroon ng TEMPORARY SUSPENSION OF OPERATIONS ang #LRT1 sa darating na DECEMBER 3 at 4, 2022 (Sabado at Linggo) sa buong linya upang magbigay daan sa isasagawang readiness tests, trial runs, at exercises na kailangan para sa muling pagbubukas ng LRT-1 Roosevelt Station.”

Patuloy pa sa post, “Kasama sa preparasyon ang pagtiyak na magiging ligtas at matagumpay ang reintegration ng Roosevelt Station gamit ang bagong Alstom signalling system ng LRT-1.”

Panawagan pa nila sa mga pasahero na planuhin na nang maaga ang kanilang pagko-commute sa mga araw na sarado ang LRT-1.

“We advise our passengers to plan their trips ahead and to stay tuned for the next advisory regarding the confirmed date of Roosevelt Station reopening,” sey sa caption.

Tiniyak ng LRMC na magbabalik ang kanilang operasyon sa LRT-1 pagdating ng Lunes, December 5.

Matatandaang isinara na muna ang Roosevelt Station noong September 2020 upang makapagbigay-daan sa isinasagawang konstruksyon ng gobyerno para sa tinatawag nilang “Unified Grand Central Station.”

Ito ang istasyon na kung saan ay magdurugtong ang LRT-1, MRT-3, at MRT-7.

Relared chika:

LRT wala nang libreng sakay sa mga estudyante

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagong COVID-19 Omicron strain na ‘BQ.1’ nasa Pinas na, 14 positibo

Pagsugpo sa mga pang-aabuso sa paaralan pinaigting, DepEd naglunsad ng ‘helpline’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending