Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET; sinu-sino ang tatanghaling pinakamagaling? | Bandera

Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET; sinu-sino ang tatanghaling pinakamagaling?

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 09:55 AM
Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET; sinu-sino ang tatanghaling pinakamagaling?

MAGKAKAALAMAN na ngayong gabi kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo ng pelikula sa ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Magaganap ang 5th The EDDYS tonight, November 27, sa Metropolitan Theater (MET) mula sa direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Ang premyado ring TV personality at talent manager na si Boy Abunda ang magsisilbing host ng pinakaaabangang awards night ng The EDDYS ngayong taon.

Bukod sa announcement ng pinakamagagaling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa ika-5 edisyon ng The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jonalyn Viray, Zephanie at Miss Regine Tolentino kasama ang
Dance Royalties.

Tiyak na mainitan at mahigpitan na naman ang magiging labanan para sa iba’t ibang kategorya ng The EDDYS ngayong taon.

Nominado para sa Best Film ang “Arisaka” (Ten17 Productions), “Big Night,” (IdeaFirst Company) “Dito at Doon”, (TBA Studios); “Kun Maupay Man It Panahon” (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at “On The Job: The Missing 8” (Reality Entertainment).

Bakbakan naman para sa Best Director category sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

Sa pagka-Best Actress, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam);  Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa 5th The EDDYS mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?

Para sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

Samantala, magpapatalbugan sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)sa Best Supporting Actor category.

Samantala, 10 tinitingala at nirerespetong alagad naman ng sining ang bibigyang-pagkikilala bilang mga Icon awardees ngayong 2022.

Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.

Ang 5th The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga de-kalibreng  aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, Alma Moreno.

Para sa special awards ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment.

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

Para sa Isah V. Red Award, pararangalan naman sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.

Bibigyan din ng Posthumous Award sa Gabi ng Parangal ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at ang tinaguriang La Primera Contravida at isa ring premyadong movie icon na si Cherie Gil.

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE, sa pakikipagtulungan ni Rhea Anicoche Tan at ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.

Kabilang naman sa mga sponsor ng 5th EDDYS ang Nathan Studios, Rep. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay.

Suportado rin ito ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation Of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill, Bataan Rep. Geraldine B. Roman, Mayor Joy Belmonte, Jinkee Pacquiao, Bernard Cloma, MullenLowe Treyna Inc., Browne Communications, at kasama pa ang Cetaphil, Avon, Dermclinic at Watsons.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Eugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.

Tito, Vic, & Joey, Phillip, Sharon, Alma, Helen pasok sa Icon Awards ng 5th EDDYS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra, Jona, Zephanie, Regine Tolentino may mga pasabog sa 5th EDDYS ng SPEEd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending