Zeinab Harake sinubukang mag-audition sa PBB pero biglang umalis sa pila, anyare? | Bandera

Zeinab Harake sinubukang mag-audition sa PBB pero biglang umalis sa pila, anyare?

Ervin Santiago |November 27,2022
facebook
share this

Zeinab Harake sinubukang mag-audition sa PBB pero biglang umalis sa pila, anyare?

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 08:02 AM

Zeinab Harake sinubukang mag-audition sa PBB pero biglang umalis sa pila, anyare?

Zeinab Harake

KNOWS n’yo ba na naranasan din pala ng controversial content creator na si Zeinab Harake ang pumila sa audition ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother”?

Kuwento ni Zeinab, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga eksenang pumipila siya sa iba’t ibang pa-audition ng ABS-CBN noong bata-bata pa siya.

Bago pa siya makilala at sumikat sa larangan ng pagba-vlog ay naranasan na rin ni Zeinab ang lumabas sa telebisyon, at yan ay sa Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” hosted by Charo Santos.

Naibahagi ni Zeinab ang tungkol dito sa YouTube channel ng TV host-actor na si Luis Manzano, ang “Luis Listens”.

Dito, natanong nga ng mister ni Jessy Mendiola si Zeinab kung na-imagine o naisip ba niya na pumasok sa showbiz o maging artista noong bata pa siya.

Sagot ni Zeinab, hindi niya in-expect na magiging bahagi siya ng entertainment at vlogging industry pero inamin niya na bata pa lang siya ay kung saan-saang audition na ang pinuntahan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Karamihan daw dito ay sa mga TV show tulad ng reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother”.

“Hindi, eh. Hindi talaga. Pero pinag-aartista ako ng nanay ko dati. Pumipila pa ako sa mga audi-audtion dati sa ABS-CBN, kung saan may audition,” sagot ng content creator sa tanong ni Luis.

Sey ng vlogger, hindi raw natuloy ang pag-a-audition niya sa “PBB” dahil napakahaba raw ng pila, as in isang araw siyang naghintay pero halos kalahati pa lang ang nai-screen.

“Pumila ako sa PBB sa MOA (Mall of Asia) before. Pero parang three days ‘yung pila du’n. One day ako nag-antay tapos wala pa kami dun sa kalahati. So umalis na ako, hindi ko na tinuloy. Sobra talaga at totoo ‘yung pila,” pahayag ni Zeinab.

Naichika niya rin kay Luis na napasama siya noon sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” na pinagbidahan ni Maja Salvador.

“Nakapag-extra pa ako. MMK. Parang si Maja Salvador ‘yung inekstrahan ko tapos si Ella Cruz ‘yung batang Maja Salvador. Parang ganu’n.

“Tapos runner lang ako du’n. Buong araw nagtatatakbo lang ako du’n. Extra days. Pero batang-bata pa ako. Mga 9 or 10,” pagbabahagi pa ng celebrity YouTuber.

Binalikan din ni Zeinab sa nasabing vlog kung paano siya nag-start sa pagiging YouTuber. Aniya, nagsimula siyang makilala bilang vlogger dahil lang sa pagpo-post ng mga netizens ng kanyang mga litrato sa Facebook.

Mula raw noon ay kinarir na niya ang paggawa ng mga nakakaloka, nakakaaliw at nakaka-inspire na content sa YouTube.

Kamakailan lamang ay nasangkot si Zeinab sa isang kontrobersya nang ilantad ng talent manager at vlogger din na si Wilbert Tolentino ang mga pang-ookray niya sa mga kaibigan at kapwa content creator.

Agad na nag-sorry si Zeinab sa kanyang nagawang kasalanan at susubukan daw itama ang mga pagkakamali. Pinatawad naman siya ng ilan sa mga personalidad na na-offend niya.

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending