Kylie Verzosa, Iza Calzado lubos ang pasasalamat sa Thanksgiving Day: ‘So incredibly grateful for everything’
ISANG national holiday sa Amerika ang “Thanksgiving Day” o Araw ng Pasasalamat.
Pero ang ilan sa mga Pinoy celebrities, naki-celebrate na rin upang lubos na pasalamatan ang kanilang mga mahal sa buhay na laging nandyan para sa kanila.
Isa na riyan ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa na nagkaroon pa ng Thanksgiving party na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.
Sa Instagram, ibinandera niya ang ilang litrato sa kanyang party at sinabing nagpapasalamat siya sa mga magagandang nangyari sa kanya ngayong taon.
Caption niya sa IG post, “So incredibly grateful for everything that’s been happening this year.
“I wanted to celebrate these accomplishments with everyone that’s helped me along the way.
“Thank you so much from the bottom of my heart to everyone involved.”
View this post on Instagram
Matatandaang ang latest milestone ni Kylie ay nitong buwan lang din na kung saan ay kinilala siyang “Best Actress of the Year” sa Dubai International Arab Festival Awards (DIAFA).
‘Yan ay para sa kanyang pagganap sa Philippine adaptation ng 2010 South Korean hit thriller na “The Housemaid.”
Nangyari ang awards night nitong November 4 sa Dubai Creek Harbour Marina sa United Arab Emirates.
View this post on Instagram
Nagkaroon naman ng mahabang mensahe ang aktres na si Iza Calzado bilang pagdiriwang niya ng Thanksgiving.
Ang kanyang pasasalamat ay ibinandera niya sa Instagram kalakip ang sweet photo nila ng kanyang mister na si Ben Wintle.
Sinabi pa niya na marami siyang nais pasalamatan, pero most thankful daw siya ipinagbubuntis niyang first baby nila ng kanyang asawa.
Saad niya sa post, “So much in life to be grateful for but I would say that I am most thankful for the gift of life growing inside me. I have never felt this kind of love and joy before. Paano pa pag andito ka na?”
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga mahal niya sa buhay na hindi siya iniwan sa kabila ng mga pagsubok.
Sey ni Iza, “The love and support of friends, family and even strangers during this very special time in our lives is so humbling. Nakakaiyak minsan. Salamat talaga.
“I am grateful for my cherished ones who have never left my side. Truly, angels exist in heaven and on earth. Ang dami niyo sa buhay ko.”
View this post on Instagram
At siyempre, super thankful din siya sa kanyang asawa na tinuturing niyang isang blessing sa kanyang buhay.
Caption ng aktres, “Lastly, I am deeply grateful for you, Poopy, and our growth the past couple of years. God really knew I needed a partner like you in life. I love you.
“Salamat, Panginoon, sa lahat ng biyaya. I am grateful to see the grace in every fiber of life’s experience. What a beautiful, colorful weave it is.”
Patuloy pa niya sa post, “May we all enjoy and celebrate the love that exists inside and all around us. A grateful heart is a happy heart!
“Happy Thanksgiving! (pink heart emoji)”
Kung matatandaan, ikinasal sina Iza at Ben noong December 2018 sa isang resort sa Palawan at kasalukuyang ipinagbubuntis ng aktres ang kanilang panganay na anak.
Related chika:
Birthday party ni Karla Estrada star-studded: It’s been a blast turning 48 with you all!
Kylie Verzosa waging best actress sa Arab Film Festival: ‘Dreams do come true!’
Iza Calzado may matamis na birthday message sa mister: You have shown me what true love is
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.