Birthday party ni Karla Estrada star-studded: It's been a blast turning 48 with you all!  Bandera

Birthday party ni Karla Estrada star-studded: It’s been a blast turning 48 with you all! 

Pauline del Rosario |November 24,2022
share this

Birthday party ni Karla Estrada star-studded: It’s been a blast turning 48 with you all! 

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 05:18 PM
Birthday party ni Karla Estrada star-studded: It's been a blast turning 48 with you all! 

PHOTO: Instagram/@karlaestrada1121

BONGGA ang naging 48th birthday ng Kapamilya TV host-actress na si Karla Estrada!

Star-studded ang kanyang party na may temang 1980’s.

Bukod sa kanyang pamilya, dinaluhan din ito ng ilan sa mga malalapit niyang kapwa-celebrities.

Kabilang na riyan sina Sen. Robin Padilla, Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Nadia Montenegro at Marjorie Barretto.

Ibinandera mismo ng aktres sa Instagram ang ilan sa mga eksena sa kanyang masayang kaarawan at lubos na pinasalamatan ang mga naki-saya sa kanyang special day.

Caption niya, “Thank you so much to everyone who made time to celebrate my 48th birthday with me! From the very bottom of my heart, I’m genuinely grateful to all my guests, my family, my team and to all the hardworking suppliers who’ve made this retro 80’s night themed party, possible!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Sinabi pa ni Karla na masayang-masaya siya dahil nakapagdiwang siya matapos ang ilang pagsubok na pinagdaanan nitong mga nakaraang taon.

“I feel so blessed for being able to celebrate after the roller coaster ride of emotions brought by the recent and still on-going pandemic,” sey niya.

Post pa niya, “I also feel elated for being able to celebrate all our milestones during these recent years.

“Oh, how I’ve missed you all, truly!”

Dagdag din niya, “So once again, thank you for partying, dancing and drinking the night away with me! It’s been a blast turning 48 with you all! Much love to all of you! (white heart emoji)”

Sa hiwalay na IG post ay nagpasalamat din si Karla sa mga taong hindi nakadalo sa kanyang party, pero naging parte ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

Sey niya sa post, “Sa mga Hindi nakarating na mga kaibigan at mga kapamilya,,,, Maraming Maraming Salamat at naging bahagi kayo ng buhay ko at ng aking mga anak! And to all who greeted me and remembered this very special day, thank you! (red heart emoji)I love love love love you you all!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Si Karla ay isa sa original hosts ng morning talk show na “Magandang Buhay.”

Pero iniwan niya ito nitong Hulyo dahil tumakbo siya sa nagdaang eleksyon nitong Mayo.

Related chika:

KC Concepcion napagkamalang si Karla Estrada, sey ng netizens: ‘Beautiful!’

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo ‘hiwalay’ na raw, Karla Estrada nagsalita na

Karla Estrada kinoronahang Mrs. Universe PH Advocate Queen 2022: ‘Cheers to all momshies!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending