Karla Estrada kinoronahang Mrs. Universe PH Advocate Queen 2022: 'Cheers to all momshies!' | Bandera

Karla Estrada kinoronahang Mrs. Universe PH Advocate Queen 2022: ‘Cheers to all momshies!’

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 08:20 AM

Karla Estrada kinoronahang Mrs. Universe PH Advocate Queen 2022: 'Cheers to all momshies!'

Karla Estrada

ITINANGHAL na Mrs. Universe Philippines Advocate Queen ngayong taon ang TV host-actress na si Karla Estrada sa ginanap na coronation night ng Mrs. Universe Philippines 2022 pageant.

Masayang ibinalita ng dating “Magandang Buhay” host ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram page nitong Sabado, Oktubre 15.

Ipinost ng nanay ni Daniel Padilla sa IG ang isang video nang koronahan siya sa naganap na pageant.

Aniya caption, “THANK YOU MRS. UNIVERSE PHILIPPINES FOR CHOOSING ME AS MRS. UNIVERSE PHILIPPINES
ADVOCATE QUEEN 2022!”

“Cheers to all momshies! We are all QUEENS!!!” dagdag pa niyang mensahe.

Ginamit pa ng aktres sa kanyang IG reel ang hit song ng Hotdogs na “Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


Ang negosyante, Philippine Air Force reservist at chairperson ng Rotary Club of Cubao na si  Veronica Yu ang nagwaging Mrs. Universe Philippines 2022.

Siya ang lalaban bilang bet ng Pilipinas sa Mrs. Universe pageant na gaganapin sa Seoul, South Korea sa December 3-11, 2022.

Ang ilan pa sa mga nanalong kandidata sa naturang beauty contest ay sina Gines Santiago-Angeles ng Nueva Ecija (Mrs. Universe Philippines–North Pacific Asia), Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling ng Pangasinan (Mrs. Universe Philippines-Northeast Asia), Jeanie Jarina Macabus ng Valenzuela (Mrs. Universe Philippines–West Pacific Asia), Jessa Macaraig ng Bulacan (Mrs. Universe Philippines–Pacific Continental), at Michelle Solinap ng Iloilo (Mrs. Universe Philippines–Continental Asia).

Samantala, super busy ngayon si Karla bilang volunteer sa Tingog Party-list. Aniya sa isang IG post, “Unang-una maraming salamat sa inyo pong mainit na pagtanggap sa amin dito sa Pagsanjan, Laguna, sa pangunguna ng napakabuting mayor, Mayor Cesar Areza.

“Personal po akong pinadala ni House Speaker Congressman Ferdinand Martin Romualdez at ng TINGOG Partylist na pinangunguhan ni Congresswoman Yedda Marie Romualdez.

“Isa lang po ang dahilan kung bakit ako/kami nandito, ito ay upang maghatid ng saya at tulong sa inyong lahat,” ang pahayag ni Karla sa kanyang IG post.

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending