Daniel Padilla, Kathryn Bernardo 'hiwalay' na raw, Karla Estrada nagsalita na Bandera

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo ‘hiwalay’ na raw, Karla Estrada nagsalita na

Therese Arceo |October 28,2022
share this

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo ‘hiwalay’ na raw, Karla Estrada nagsalita na

Therese Arceo - October 28, 2022 - 11:14 AM

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo 'hiwalay' na raw, Karla Estrada nagsalita na
TRENDING ngayon sa social media ang real-life couple at onscreen partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Marami kasi sa mga netizens ang tila naguguluhan kung ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila matapos mag-viral sa social media ang ilang videos ng kanilang naging sagot sa nagdaang mediacon para sa kanilang hit teleserye na “2 Good 2 Be True”.

Base sa naturang video na kumakalat, natanong sina Kathryn at Daniel patungkol sa kung ano ang depinisyon ng salitang “loyalty” para sa kanila.

Naging malalim at tila may hugot ang naging sagot ng bawat isa kaya naman marami sa mga netizens ang tila nahiwagaan kung may pinagdaraanan nga ba ang dalawa o baka tuluyan na raw silang naghiwalay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

“Loyalty for me is being contented because if you’re contented, you won’t look for anymore person… So loyalty equals contentment,” sagot ni Kathryn.

Tila pinag-isipang maigi ni Daniel ang kanyang sagot at ito nga ang dahilan para mag-overthink ang madlang pipol kung may something nga ba sa relasyon nila ng aktres.

“Alam mo kung sino ‘yung pinaka-loyal? ‘Yung aso ko, si Summer. ‘Yun ang pinaka-loyal. Doon ko makikita ang definition ng loyalty.

“Kahit ano man ang pinagdaraanan ko ngayon, kung ano man ang sitwasyon ng emosyon ko ngayon, sino ako ngayon, tatanggapin ako nang buong-buo. ‘Yun ang loyalty. Walang judgment kung sino ka,” malalim na hugot ni Daniel.

At dahil nga rito ay agad na nag-trending ang katanungan na “hiwalay na ba ang Kathniel?” dahil nga sa tila hugot answers ng dalawa.

Umabot pa nga ang pagtatanong ng netizen sa ina ni Daniel na si Karla Estrada.

“Tita Karla please enlighten us na hindi totoo na break na ang kathniel of may prob sila po… may naglalabasan po kasing mga comment sa tiktok dahil lang sa pagsabi DJ na si Summer ang definition ng pinakaloyal niya,” tanong ng netizen na nag-comment sa isang Instagram post ng TV host-actress.

Maikling sagot ng ina ni Daniel, “WALANG KATOTOHANAN!!”

Matapos nito ay agad ring nakiusap ang mga fans ng KathNiel na sana ay itigil na ang pagpapkalat ng negatibong balita patungkol sa dalawa dahil going strong pa rin ang kanilang relasyon kahit na mahigit isang dekada na silang magkasama kahit na every year na lang ay iniintriga ang dalawa.

Matatandaang nitong June lamang nang maintriga rin ang dalawa na naghiwalay na pinablaanan rin naman ng dalawa.

Samantala, spotted naman na magkasama sina Daniel at Kathryn sa airport ngayong araw at nakatakdang lumipad papuntang El Nido, Palawan para magbakasyon.

Related Chika:
Paghihiwalay daw nina Daniel at Kathryn fake news; LizQuen damay din sa viral blind item

Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Lyca Gairanod certified NBSB, tinuksu-tukso kay Daniel Padilla: ‘Wala na pong chance! Ha-hahaha!’

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending