Gin naging souvenir sa binyagan at kids’ party, netizens nawindang: ‘Lashiiiing lahat ng dumalo’ Bandera

Gin naging souvenir sa binyagan at kids’ party, netizens nawindang: ‘Lashiiiing lahat ng dumalo’

Pauline del Rosario |November 24,2022
share this

Gin naging souvenir sa binyagan at kids’ party, netizens nawindang: ‘Lashiiiing lahat ng dumalo’

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 04:02 PM
Gin naging souvenir sa binyagan at kids’ party, netizens nawindang: ‘Lashiiiing lahat ng dumalo’

PHOTO: Facebook/Analyn Barnedo

MARAMING netizens ang nagulat at nawindang sa kakaibang souvenir na ipinamigay sa isang bonggang handaan sa Antipolo City, Rizal.

Dahil ang nakuha ng mga bisita na dumalo sa binyagan at first birthday party ay gin!

Ang viral post ay ibinahagi ni mommy Analyn Barnedo sa Facebook.

Makikita sa FB post ang ilan sa mga masasayang eksena sa handaan, pero ang agaw-atensyon ay ‘yung mga gin na pinamigay bilang souvenir at ‘yung solo pic ni mommy at baby na hawak pa ang gin.

Na-interview ng BANDERA si mommy Analyn at kinumpirma nga niya sa amin na ang handaan ay para sa kanyang 1 year old baby na si Aly Curbo.

Nakwento niya rin sa BANDERA na gin ang naisipan niyang ipamigay dahil gusto niya raw ‘yung kakaiba.

Sey ni mommy, “Nag-iisip po kasi ako ng something unique, ‘yung tipong mapapakinabangan na giveaways na pwede din display if ever.”

Nang tinanong namin sa kanya kung ano ang naging reaction ng kanyang mga bisita sa souvenir.

Ito ang kanyang nasabi, “Natuwa po sila, halos 90% po kasi ng mga ninong and ninang is nag-iinom din po.

“Kaya natuwa talaga sila.

Dagdag pa niya, “May isa din naman pong option na hand sanitizers souvenir para sa mga bata na bisita and hindi manginginom.”

Lubos din siyang nagpasalamat sa nag-sponsor ng mga gin na si Tita Ghie dahil nag-provide daw ito ng 30 pieces ng nabanggit na souvenirs.

Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming komento sa viral post.

“Nemel na souvenir yarn …realidad talaga (laughing emoji)”

“Endorser yarnn (laughing emoji)”

“haha mam baket may hawak na gin”

“Sayang di ako ninong (laughing emoji)”

“Pwede papo ba mag apply Ng ninong”

“Mareeee ano yang hawak mo? (laughing emoji) Ng dahil jan matiwasay akong nakauwi.”

Related chika:

Netizen na may hugot sa National ID, viral na: ‘Dear PSA, pumayat na ako kahihintay’

Kwelang ‘attendance check’ ng guro sa Masbate viral na: ‘Say DARNA at ang first love mo!’

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending