Kwelang ‘attendance check’ ng guro sa Masbate viral na: 'Say DARNA at ang first love mo!' | Bandera

Kwelang ‘attendance check’ ng guro sa Masbate viral na: ‘Say DARNA at ang first love mo!’

Pauline del Rosario - November 17, 2022 - 05:53 PM

Kwelang ‘attendance check’ ng guro sa Masbate viral na: 'Say DARNA at ang first love mo!'

PHOTO: Screengrab from Facebook page of Rhickz D’ Survivor TV

PINAGKATUWAAN  sa social media ang kwelang gimik ng isang guro mula sa probinsya ng Masbate.

Imbes kasi na “present” ang sabihin sa kanyang attendance check ay kailangang sumigaw ng “Darna!” ang mga estudyante at sabihin ang kanilang first love.

Ang viral video ay inupload ng Grade 9 teacher Ricky Pojas ng Centro Integrated School.

Mapapanood sa Facebook page na “Rhickz D’ Survivor TV” na kahit ang kanyang mga estudyante ay tawang-tawa sa pakana ng kanilang guro.

Na-interview ng BANDERA si Teacher Ricky at nakwento nga niya sa amin na ito ang kanyang paraan para ganahang pumasok sa school ang mga mag-aaral.

Sey niya, “Pang motivate ko po sa mga estudyante at kasama na rin po sa motivation ko sa kanila.”

Ipinaliwanag niya rin na may kanya-kanyang paraan ng pagtuturo ang mga guro at ang kanyang style raw ay hinahaluan ng katatawanan.

Naniniwala daw kasi si teacher Ricky na mas maaalala ng mga estudyante ang isang bagay kung ito raw ay may kaakibat na sense of humor.

Chika ng guro sa BANDERA, “Teachers have their own style and technique to implement an effective way of teaching.

“Iyong sa akin naman po ay mas prefer kong may katatawanan kasi I believe learning is lasting kapag may sense of humor ang guro.”

Patuloy pa niya, “Hindi naiilang ang mga students sa guro, gusto ko kasi na ang treatment ko sa kanila ay mga anak ko sa loob ng classroom pero mapanatili ang RESPETO na dapat sa estudyante at sa guro.”

Sabi pa sa amin ni teacher Ricky na kahit siya a hindi makapaniwala na marami ang maaaliw sa uploaded na video.

“Thank you to the viewers and supporters, medyo nagulat lang din ako dahil di ko rin naman po alam na maraming mag support din,” sey niya.

Bukod pa sa “attendance check” video ay naunang nag-viral ang isa pa niyang video na kung saan ay makikitang hinayaan niyang magkopyahan ang mga estudyante.

Mapapanood na nag-exam ang mga ito sa kanyang klase at sampung segundo nalang ang natitira bago ipasa ang kanilang mga papel.

Paliwanag ni teacher Ricky, kaya niya ito nagawa dahil gusto niyang makita sa mga mag-aaral ang kumpiyansa nila pagdating sa mga exam.

Sabi niya, “Meron naman po ‘yung video na last ten seconds ng exam, binigyan ng pagkakataong baguhin ang sagot sa pagtatanong sa kaklase/binigyan ng pagkakataong para mangopya ng sagot, kasi gusto ko makita sa mga students ang kanilang self-confidence sa kanilang mga desisyon.”

Parehong umaani ng libo-libong views at reactions ang dalawang viral video ni Teacher Ricky.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandara Park pak na pak sa viral birthday bikini photo: ‘Forever young, Dara!’

Anak na dinala ang mga ‘manliligaw’ sa bahay kahit first day palang ng eskwela, viral

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending