Anak na dinala ang mga ‘manliligaw’ sa bahay kahit first day palang ng eskwela, viral | Bandera

Anak na dinala ang mga ‘manliligaw’ sa bahay kahit first day palang ng eskwela, viral

Pauline del Rosario |November 11,2022
facebook
share this

Anak na dinala ang mga ‘manliligaw’ sa bahay kahit first day palang ng eskwela, viral

Pauline del Rosario - November 11, 2022 - 05:48 PM

Anak na dinala ang mga ‘manliligaw’ sa bahay kahit first day palang ng eskwela, viral

PHOTO: Screengrab from Randy Navarro Rañoco’s viral Facebook video

VIRAL sa social media ang isang video ng isang Grade 10 student mula Sampaloc, Maynila na ipinakilala umano ang kanyang mga manliligaw sa kanyang tatay.

O haba ng hair! First day of school pa lang, ang dami nang manliligaw ni ate!

Mapapanood ‘yan mismo sa kwelang Facebook video ng kanyang tatay na si Randy.

Imbes na homework, sandamakmak na manliligaw ang inuwi ni Angelique Rañoco.

Sa umpisa, mapapanood na kinakamusta ni tatay Randy ang kanyang anak kung kamusta ang unang araw ng eskwela at kung may nanliligaw na sa kanya.

Kaagad naman siyang sinagot ni Angelique at sinabing “Marami!”

Bigla pinakita ng mag-ama ang grupo ng mga lalake sa kanilang bahay at pabirong sinabi ni Tatay Randy na, “Umalis ako, isa lang anak ko, ngayon ang dami na.”

Na-interview ng BANDERA si Tatay Randy at nilinaw naman niya sa amin na mga tropa lang ng kanyang mga anak ang nasa video.

Chika pa niya na naisipan lang nilang mag kulitan at i-post sa social media bilang close na rin naman niya ang mga kaibigan ng kanyang anak.

Hindi naman daw niya aakalain na magva-viral ang kanilang simpleng video.

Sey ni tatay Randy, “Wala po jan ung may crush sa anak ko. Hehe… Mga tropa kasi ng anak ko mostly lalaki kaya dito tumatambay lagi sa bahay namin.”

Dagdag pa niya, “Simula po elementary classmate na niya mostly ‘yang mga ‘yan.

“Kaya super close ko po simula mga bata hanggang nag binata na po.”

Nakwento rin niya sa amin na ang paggawa ng TikTok videos ang madalas nilang bonding.

@randy.d.luffy Money x Andrew Ford Medina Challenge with @a.glq 😂👌💯 #fypシ #foryoupage #Happy16thAnnivEnday ♬ MONEY X ANDREW FORD MEDINA – Jeremiah Custodio

As of this writing, ang viral video sa Facebook ay umaani na ng libo-libong views at reactions.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers

P5k budget ng magdyowang nagpakasal sa Rizal viral na; wedding ring nabili sa halagang P999

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending