Miss Supranational Organization binago ang age limit, hanggang edad 32 pwede pang sumali | Bandera

Miss Supranational Organization binago ang age limit, hanggang edad 32 pwede pang sumali

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 02:58 PM

Miss Supranational Organization binago ang age limit, hanggang edad 32 pwede pang sumali

PHOTO: Instagram/@misssupranational

SIMULA ngayong 2023 edition, pwedeng nang sumali sa  Miss Supranational competition ang mga kandidata na may edad hanggang 32.

Binago na kasi ng Miss Supranational Organization ang age limit para sa pageant.

Imbes na hanggang 28 years old lang ang pwedeng makapasok sa kompetisyon, aba, tatanggapon na rin nila ang hanggang 32 years old simula sa susunod na taon.

Ang anunsyo ay ibinandera mismo sa isang Instagram post at sinabing ito’y matapos nilang isagawa ang isang survey kasama ang license holders mula sa iba’t-ibang bansa.

Sey sa IG caption, “The Miss Supranational Organization, after a survey conducted among national license holders, will accept women between the ages of 18 and 32 starting from 2023.

“Each national organization will continue to have the final say in determining the most appropriate requirements for the country they are working in.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Supranational (@misssupranational)

Maraming pageant fans naman ang sumang-ayon na taasan ang age limit at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“More queens and kings have the opportunity to be in the spotlight…. Great move miss supra and mister supra.”

“Thank you @misssupranational for always leading by example.”

“There’s no equality even in Pageants, see this is one example.”

Bukod pa riyan ay kailangang wala silang anak at hindi pa kasal.

Matatandaang noong July 16 (oras sa Pilipinas) sa Poland nang maganap ang 2022 edition ng Miss Supranational pageant at ang reigning queen ay si Lalela Mswane ng South Africa.

Habang ang ating naging pambato na si Alison Black ay nagtapos sa Top 24.

Isang korona palang ng Miss Supranational ang nakukuha ng Pilipinas na napanalunan ni Mutya Datul noong 2013.

Related chika:

Lalela Mswane ng South Africa kinoronahang Miss Supranational 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alison Black bigong maiuwi ang Miss Supranational 2022 crown, laglag sa Top 12

Alison Black pasok na sa Top 24 ng Miss Supranational 2022; Pinoy pageant fans nawala ang antok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending