Alethea Ambrosio waging Miss Supranational Asia and Oceania sa Poland
MATAPOS ang makasaysayang panalo ni Brandon Espiritu sa Mister Supranational pageant, nag-uwi rin ng korona ang pambato natin sa Miss Supranational na si Alethea Ambrosio!
Nakuha niya kasi ang titulong Miss Supranational Asia and Oceania sa naganap na Miss Supranational 2024 pageant sa Nowy Sacz, Poland ngayong July 7, oras sa Pilipinas.
Si Alethea ang first-ever Pinay na nagwagi ng nasabing continental title matapos makapasok sa Top 12 ng kompetisyon.
Baka Bet Mo: Anu-ano ang aasahang ganap sa Bb. Pilipinas 2024 coronation night?
View this post on Instagram
Samantala, ang kinoronahang Miss Supranational 2024 ay si Harashta Haifa Zahra mula Indonesia.
Siya ang kauna-unahang nagwagi ng titulo sa kanilang bansa sa international pageant.
View this post on Instagram
Ang hinirang naman na first runner-up ay si Jenna Dykstra ng United States, second runner-up si Justyna Zednikova from Czech Republic, ang third runner-up ay si Isadora Murtia mula Brazil, at ang fourth runner-up ay Chanelle de Lau na pambato ng Curacao.
Ang mga tinanghal naman na continental queens bukod kay Alethea ay ang mga sumusunod:
Miss Supranational Africa – Bryoni Govender ng South Africa
Miss Supranational Americas – Andrea Saenz ng Mexico
Miss Supranational Caribbean – Fiorella Medina ng Puerto Rico
Miss Supranational Europe – Victoria Larsen ng Denmark
View this post on Instagram
Bago pa lumipad papuntang Poland si Alethea, may napili nang successor para sa Miss Supranational Philippines na ilalaban next year sa Miss Supranational contest.
Siya si Tarah Valencia na nanalo ng third runner-up sa 2024 Miss Universe Philippines pageant.
Para sa kaalaman ng marami, isa pa lang ang nakukuha nating korona mula sa nasabing international pageant.
Ito ay napanalunan natin noong 2013 kung saan ang ipinanlaban natin ay si Mutya Johanna Datul.
Last year, muntikan nang maiuwi ng ating pambato na si Pauline Amelinckx ang ikalawang panalo sana ng Pilipinas, pero siya ay itinanghal na first runner-up sa Miss Supranational competition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.