Alison Black bigong maiuwi ang Miss Supranational 2022 crown, laglag sa Top 12 Bandera

Alison Black bigong maiuwi ang Miss Supranational 2022 crown, laglag sa Top 12

Ervin Santiago |July 16,2022
share this

Alison Black bigong maiuwi ang Miss Supranational 2022 crown, laglag sa Top 12

Ervin Santiago - July 16, 2022 - 04:10 AM

Alison Black

HINDI na nagpatuloy sa next round ang representative ng Pilipinas na si Alison Black sa ginaganap ngayong Miss Supranational 2022 pageant.

Laglag na sa mga kandidatang napili ng mga hurado si Alison para sa Top 12 candidates na maglalaban-laban para sa titulong Miss Supranational 2022.

Ito’y sa kabila nga ng pagpasok niya sa Top 3 ng Miss Talent, Top 10 ng Supra Fan-Vote, at Top 15 ng Miss Supra Influencer.

Kasalukuyan pa ring nangyayari ngayon sa Strzelecki Park Ampitheater sa Nowy Sacz, Malopolska sa Poland ang nasabing international pageant.

Narito ang mga kandidatang pumasok sa Top 12 kung saan isa nga sa kanila ang tatanghaling Miss Supranational 2022.

Miss Vietnam

Miss Mauritius

Miss Czech Republic

Miss Indonesia

Miss Colombia

Miss Venezuela

Miss Kenya

Miss India

Miss Peru

Miss Thailand

Miss South Africa

Miss Poland

Alison Black agaw-eksena sa Miss Supranational 2022 finals night; kabogera ang pagrampa nang naka-swimsuit

Mga pambato ng Pilipinas hangad ang kambal na korona sa Poland

Alison Black humiling sa mga Pinoy para sa laban niya sa Miss Supranational 2022: All I ask for is your support, trust and prayers…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending