Lalela Mswane ng South Africa kinoronahang Miss Supranational 2022
KINORONAHAN bilang Miss Supranational 2022 si Lalela Mswane ng South Africa na idinaos sa Strzelecki Park Ampitheater sa Nowy Sacz, Malopolska, Poland ngayong umaga (July 16, Philipine time).
Dinaig niya ang 68 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang bansa upang manahin ang korona mula kay Chanique Rabe, ang 2021 winner at unang Miss Supranational mula sa Namibia.
Hinirang namang first runner-up si Miss Thailand Praewwanich Ruangthong habang second runner-up si Miss Vietnam Nguyen Huynh Kim Duyên.
Third runner-up si Miss Indonesia Adinda Cresheilla at fourth runner-up si Miss Venezuela Ismeyls Velasques.
Ang mga pumasok naman sa Top 12 ay sina Miss Vietnam, Miss Mauritius, Miss Czech Republic, Miss Indonesia, Miss Colombia, Miss Venezuela, Miss Kenya, Miss India, Miss Peru, Miss Thailand, Miss South Africa at Miss Poland.
Nagtapos sa Top 24 si Alison Black ng Pilipinas, isang dating propesyunal na ballerina at ngayon ay may-ari na ng sariling ballet school.
Si Mutya Johanna Datul ang unang Pilipinang nagwagi bilang Miss Supranational. Nanalo siya sa ika-limang edusyon ng patimpalak noong 2013.
Sa Hulyo 16 (Hulyo 17 sa Maynila) naman idaraos ang ika-anim na edisyon ng katambal na patimpalak na Mister Supranational sa Strzelecki Park Ampitheater din.
Sisikapin ni RaÉd Al-Zghayér na ibigay sa Pilipinas ang una nitong panalo sa pandaigdigang patimpalak para sa mga lalaki sa hanay ng 34 kalahok.
https://bandera.inquirer.net/317010/alison-black-handang-handa-nang-lumaban-sa-miss-supranational-2022-humiling-ng-dasal-laban-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/308385/kathleen-paton-wagi-bilang-miss-eco-international-2022
https://bandera.inquirer.net/317265/mga-pambato-ng-pilipinas-hangad-ang-kambal-na-korona-sa-poland
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.