Alison Black agaw-eksena sa Miss Supranational 2022 finals night; kabogera ang pagrampa nang naka-swimsuit
SUPER pray at talagang nagwi-wish ang Pinoy pageant fans na sana’y maiuwi ni Alison Black ang titulo at korona sa Miss Supranational 2022 pageant.
Ginaganap sa mga oras na ito (nagsimula kaninang 2 a.m.) ang nasabing international pageant sa Strzelecki Park Ampitheater sa Nowy Sacz, Malopolska, Poland.
At base sa mga nababasa naming mga comments sa social media, naniniwala ang maraming nakatutok sa pageant na malakas ang laban ni Alison.
Sa opening pa lang ng Miss Supranational 2022 final show ay nagpakitang-gilas na nang bonggang-bongga ang representative ng Pilipinas.
Agaw-eksena rin si Alison sa swimsuit segment kung saan pinuri ng mga pageant fans ang pag-ikot ng dalaga sa stage. Lutang na lutang din siya sa suot na orange swimwear.
Pero may mga reklamo rin ang mga netizens sa presentation at pagrampa ng mga contestants suot ang kanilang swimsuit kabilang na riyan ang nakakahilong galaw ng camera.
Inookray din nila ang pacing ng mga kaganapan sa pageant at sana raw ay i-announce na ang Top 24 candidates. Sobrang dami raw kasi ng production numbers sa ginaganap na grand coronation night.
Tatlong araw bago maganap ang grand coronation night ng Miss Supranational 2022, humiling si Alison na sana’y ipagdasal siya ng buong bansa sa kanyang pagrampa.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Alison ng dalawa niyang litrato suot ang kanyang gold swimsuit at kalakip nito ang panawagan at mensahe niya sa mga kapwa Filipino.
“The finish line is getting closer and closer, Philippines! All I ask for is your support, trust, kind words, and prayers.
“Know that I’m extremely proud to be a Filipino on an international stage and I hope you feel that pride in my performance,” bahagi ng caption ni Alison sa kanyang IG post.
“I hope to channel the grit and passion of the girls of CRIBS Foundation as well. I haven’t seen them in a long time because of the pageant but they continue to be the reason I never give up.
“Let’s show the world what an aspirational Filipina can do!” aniya pa.
Si Mutya Johanna Datul ang unang Pilipinang nagwagi bilang Miss Supranational. Nanalo siya sa ikalimang edisyon ng patimpalak noong 2013.
https://bandera.inquirer.net/317010/alison-black-handang-handa-nang-lumaban-sa-miss-supranational-2022-humiling-ng-dasal-laban-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/317878/alison-black-pasok-sa-top-10-ng-miss-supranational-2022-supra-fan-vote-nasa-top-6-din-ng-talent-competition
https://bandera.inquirer.net/318594/alison-black-humiling-ng-dasal-para-sa-pagrampa-niya-sa-miss-supranational-2022-all-i-ask-for-is-your-support-trust-and-prayers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.