No emotion rollercoaster ride ni Maine kasama si Arjo viral, biro ng netizens: 'Mas inuna pa mag rides kesa alagaan ang mga anak!' Bandera

No emotion rollercoaster ride ni Maine kasama si Arjo viral, biro ng netizens: ‘Mas inuna pa mag rides kesa alagaan ang mga anak!’

Therese Arceo |November 23,2022
share this

No emotion rollercoaster ride ni Maine kasama si Arjo viral, biro ng netizens: ‘Mas inuna pa mag rides kesa alagaan ang mga anak!’

Therese Arceo - November 23, 2022 - 12:02 PM

No emotion rollercoaster ride ni Maine kasama si Arjo viral, biro ng netizens: 'Mas inuna pa mag rides kesa alagaan ang mga anak!'
ALIW na aliw ang mga netizens kaya naman agad na nag-trending sa social media ang bagong video post ni Maine Mendoza habang nakasakay sa rollercoaster.

Sa naturang video ay makikitang tila bored at walang emosyon ang dalaga habang nakasakay sa naturang ride samantalang ang kanyang fiancè na si Arjo Atayde naman ay makikitang todo hiyaw.

“Rollercoaster of emotions,” caption ni Maine sa kanyang post.

Agad namang umani ng samu’t saring komento ang video post ng “Eat Bulaga” host.

“Its the kiss on the hand at the end of this video for me,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “A new meme was born.”

Mapapansin naman ang mga pabirong comments ng mga netizens patungkol sa diumano’y “mga anak” ni Maine.

“Di siya masaya kasi di niya kasama anak nyang 2,” komento ng isang netizen.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Sey naman ng isa, “Meng balik kana pls hinihintay kana ng mga anak mo dito sa pinas.”

“Mas inuna pa mag rides kesa alagaan ang kanyang mga anak!” hirit naman ng isa pa.

Biro pa ng isa, “Maine and alden during ks (Kalyeserye) days sa enchanted kingdom laguna cla yan enedit ng mga armaine di nio kmi mabola.”

Matatandaang naging matunog ulit ang hindi mamatay-matay na isyu ng diumano’y mga anak ng Kapuso star sa naging ka-love team nitong si Alden Richards.

Nabanggit nga ni Maine sa kanyang interview kay Ogie Diaz ang patungkol sa mga AlDub fans na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang paniniwala na may pag-asang mag-level up ang relasyon nila ni Alden.

“Marami na ang nakatanggap at ‘yung iba nag-stop na mag-support which is totally okay na rin naman. Pero meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin dun,” pagbabahagi ni Maine.

“So ‘yun po ang hindi ko ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala… ‘Yung iba parang kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak kami.

“As in ako na po personally nagre-reach out sa kanila, not through other people, ako na ‘yung nagme-message pero Mama Ogs ang reply pa rin nila sakin ‘Hindi si Maine ‘yan. Admin ‘yan,” sey ng dalaga.

Kaya nga marami ang nagalit sa kanya matapos ang interview dahil may mga supporters na nagsasabing may “resibo” sila at totoong nagpakasal na sila ni Alden at may dalawa ng mga anak.

Aminado naman si Maine na talagang napagod na siyang ipaliwanag sa mga supporters nila na wala itong katotohanan.

Anyways, kamakailan lang nang mag-viral ang larawan ng dalawa sa social media habang nakasakay sila sa naturang roller coaster at ngayo naman ay mas naaliw pa ang mga dabarkads sa video ng kanilang actual rollercoaster ride.

Related Chika:
Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending