Janice nakatikim din ng totoong sampal kay Maricel: Grabe, ang sakit kaya wala kaming naging problema sa pag-iyak! | Bandera

Janice nakatikim din ng totoong sampal kay Maricel: Grabe, ang sakit kaya wala kaming naging problema sa pag-iyak!

Ervin Santiago |November 20,2022
facebook
share this

Janice nakatikim din ng totoong sampal kay Maricel: Grabe, ang sakit kaya wala kaming naging problema sa pag-iyak!

Ervin Santiago - November 20, 2022 - 11:09 AM

Janice nakatikim din ng sampal ni Maricel: Grabe, ang sakit

Maricel Soriano at Janice de Belen

SA lahat ng pelikula na ginawa ng Diamond Star na si Maricel Soriano, pinaka-favorite talaga namin ang “Babaeng Hampaslupa” na ipinrodyus ng Regal Films.

Ipinalabas ito noong 1988 sa panulat ni Ricardo Lee at idinirek ni Mel Chionglo, kung saan nakasama ni Maria sina Janice de Belen at Carmina Villarroel at sina Rowell Santiango, Richard Gomez at Edu Manzano.

Ilang beses na naming napanood ang pelikula pero hindi pa rin kami nagsasawang ulit-ulitin ito. Isa sa mga paborito naming eksena sa “Babaeng Hampaslupa” ay ang bonggang confrontation scene nina Maricel at Janice.

Ito yung eksenang nadiskubre ni Maria na niloloko siya nina Rowell at Janice at sinampal nang bonggang-bongga ang aktres na gumaganap na kapatid niya sa pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SuperJanice de Belen (@super_janice)


Sa “Wala Pa Kaming Title” vlog, nagkuwento si Janice tungkol sa nasabing pelikula at nabanggit nfa niya na totoong sampal ang ginawa sa kanya ni Maricel.

“Nasubukan niyo na bang masampal ni Maricel Soriano? May eksena kami sa Babaeng Hampaslupa. Kami ni Rowell Santiago, galit siya (Maricel).

“So talagang, alam mo yung dalawa kayong nasampal sa isang sampal?” pag-alala ni Janice na ang tinutukoy nga ay ang pagsampal ni Maricel sa kanya na sa sobrang lakas ay umabot pati kay Rowell.

“Kasi galit na galit siya. Kapag sumampal pa naman si Maria…kasi kahit maliit siya, she’s very strong. E, yung eksena niya galit na galit siya. So up na up yung energy niya,” pagbabahagi pa ni Janice.

“Pero in fairness, wala kaming problema sa pag-iyak after noon kasi ang sakit. Pero may pula talaga sa mukha,” chika pa ng aktres.

Sabi pa ni Janice, okay lang sa kanya ang totohanang sampal sa mga eksena, “Hindi ako marunong mandaya ng sampal, hindi talaga, promise.

“Kapag nananampal ako, ang unang-unang requirement ko, tinatanong ko muna. Di ko pala tinatanong, sinasabi ko, ‘Hindi ako marunong mandaya, tatamaan ka dito, okay ka ba?’”

“Tsaka lagi akong may, ‘Sorry na. Sorry kasi hindi ko alam kung anong klaseng sampal ang dadapo sa iyo.’ Because of emotion, di ba? Hindi ko alam kung hindi masakit, kung masakit.”

Dagdag pa niya, “Marami na akong nasampal. Masakit akong manampal, apparently.”

Janice ayaw nang makatrabaho si John, pero payag kay Aga: Magkaiba kasi yung status ng relationship…

Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending