Ryza Cenon nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang aso: Run free!! No goodbyes | Bandera

Ryza Cenon nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang aso: Run free!! No goodbyes

Therese Arceo |November 18,2022
facebook
share this

Ryza Cenon nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang aso: Run free!! No goodbyes

Therese Arceo - November 18, 2022 - 09:54 AM

Ryza Cenon nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang aso: Run free!! No goodbyes

MALUNGKOT ang aktres na si Ryza Cenon sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Mallows.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan habang nakaburol ang kanilang alagang aso.

“Run free!! No goodbyes! I know we’ll see you again someday,” saad ni Ryza.

Dagdag pa niya, “We love you Mallows (pink heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Noong Sabado, November 9 nang mamaalam na ang alagang aso ni Ryza sa kanilang piling.

May video post rin siyang ibinahagi sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang mga larawan nilang magkasama.

“Salamat sa 15 years na kasama ka MALLOWS. Thank you kasi hinintay mo si Night. Sinigurado mo na bago ka magpaalam na ok ako,” pagbabahagi ni Ryza.

“Thank you, mamimiss ka namin lalo si Night wala na syang tatawagin Mawww. Rest well & run free Mallows. We love you so much!! RUN FREE, NO GOODBYES!” pagpapatuloy pa niya.

Si Night ay ang panganay na anak ni Ryza.

Marami naman ang nagpaabot ng pakikiramay sa aktres sa comment section.

“Thank you Mallows, enjoy kayo nila Piggy sa doggo heaven,” saad ni Chariz Solomon.

Comment naman ni Kim Molina, “Run free, Mallows! Yakap na mahigpit, Ryza!”

“Rest well, Mallows (heart emoji) sending you love Izay,” sey naman no Megan Young.

Sa kabila naman ng pagpanaw ng alagang aso ni Ryza ay ang pagsisimula ng pagpapagawa ng kanilang bahay.

“This is it!” pagbabahagi ng aktres.

Sa kabila ng bagong achievement ni Ryza ay makikita pa rin sa Instagram story ng aktres ang pangungulila nito kay Mallows.

Related Chika:
Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga ‘ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na ‘ko!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Babala ni Ryza Cenon sa mga mahilig magbiro: Don’t do bad pranks, huwag mam-bully ng kapwa

Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Ryza Cenon kontra sa mga prank na nauuwi sa bullying; may panawagan sa magbabarkada na mahilig ‘mag-trip’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending