Toni Gonzaga umiiyak habang kumakanta sa casino, awang-awa sa sarili: 'Nasa slot machine lahat, walang nakikinig...' | Bandera

Toni Gonzaga umiiyak habang kumakanta sa casino, awang-awa sa sarili: ‘Nasa slot machine lahat, walang nakikinig…’

Ervin Santiago - November 18, 2022 - 09:42 AM

Toni Gonzaga umiiyak habang kumakanta sa casino, awang-awa sa sarili: Nasa slot machine lahat, walang nakikinig...

Toni Gonzaga

GAME na game na sinagot ng actress-singer at TV host na si Toni Gonzaga ang mga maiintrigang tanong nang muli siyang humarap sa mga miyembro ng entertainment media.

Kahapon, November 17, ginanap ang mediacon para sa kanyang comeback concert sa Winford Manila bilang bahagi ng kanyang 20th anniversary sa mundo ng showbiz.

May titulo itong “I Am…Toni” na gaganapin sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum kung saan babalikan ng Ultimate Multimedia Star ang mga highlights ng kanyang career sa nakaraang 20 taon.

Sa isang bahagi ng presscon ay natanong si Toni kung ano ang favorite memory niya bilang singer. Sey ng content creator, tandang-tanda pa niya yung mga araw na kumakanta siya sa Casino Filipino.

“Favorite memory ko, when I was starting as a singer, kumakanta akong mag-isa, Pasko sa Casino Filipino.

“Doon ako nakapuwesto, December 24 or December 25, hindi ko na masyadong matandaan, basta Pasko ‘yun. Tapos, siguro, 17 or 18 years old lang ako nu’n,” chika ng sisteraka ni Alex Gonzaga.

Hindi raw niya makakalimutan yung araw na kinakanta niya ang “Pasko Na, Sinta Ko” sa nasabing casino pero wala raw nakikinig sa kanya.

“Lahat, nagga-gamble, lahat nasa slot machine! Sabi ko, ‘ano bang ginagawa ko dito?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


“Parang hindi ginagawa ng isang normal na 18-year-old na kumakanta sa isang gambling area na lahat, nasa slot machine, na walang nakikinig,” pag-alala pa ni Toni.

Tulo raw nang tulo ang luha niya habang kumakanta dahil sa awa sa sarili, “Tapos may nagbigay ng tip, ‘yung chip, tapos iaano mo…siguro naawa siya, ‘uy, umiiyak ‘yung singer, bigyan natin.’

“Tapos, after ko umiyak, nagpunta ako sa CR, tapos hindi pa ako natapos, du’n ako nagdrama, umiyak talaga ako.

“Tapos naaalala ko lang, parang sinabi ko sa sarili ko na one day, kapag may hawak na akong mikropono, may makikinig na sa akin. ‘Yun lang ang sinabi ko sarili ko.

“And then, I pursued my career, I continued, I sang in different hotels, different bars, hanggang sa one day, pag hawak ko na nga ‘yung microphone, makikita ko kapag mga live shows, big events, nakikinig na sila.

“Tapos sabi ko, ‘ay naalala ko ‘yung moment when nobody was listening to me,” pagbabahagi ni Toni.

At makalipas mga ang dalawang dekada pinatunayan ni Toni ang kanyang talento sa buong universe pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwala na until now ay nandito pa rin siya at patuloy na ginagawa ang loves na loves niyang gawin, ang mag-perform at mag-host.

“I’m so grateful na makarating sa ganitong milestone ng ating journey dito sa industry and I’m also very excited to celebrate it with everyone,” ani Toni about her 20th anniversary concert na eksaktong birthday pa niya ang date.

“It’s a celebration of milestones, of journeys, of the ups and downs, the learnings, and parang where I came from, where I am today and where my life is heading after 20 years,” sey pa ni Toni.

Ang nag-produce ng “I Am…Toni” ay ang Godfather Production ni Joed Serrano and co-produced by Mommy Pinti Gonzaga, sa pakikipagtulungan ng Ever Bilena at Hello Glow.

Belle Mariano: Ako po yung tipo ng bata na laging bida-bida sa family reunion

Sharon Cuneta napakasakit ng iyak habang kumakanta sa pa-tribute ng ‘ASAP’ para kay Cherie Gil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maris Racal, Rico Blanco ‘hinarana’ ang mga kapitbahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending