Maris Racal, Rico Blanco 'hinarana' ang mga kapitbahay | Bandera

Maris Racal, Rico Blanco ‘hinarana’ ang mga kapitbahay

Reggee Bonoan |December 26,2021
facebook
share this

Maris Racal, Rico Blanco ‘hinarana’ ang mga kapitbahay

Reggee Bonoan - December 26, 2021 - 07:56 PM

Maris Racal, Rico Blanco 'hinarana' ang mga kapitbahay

KANINANG tanghali lang pinost ni Maris Racal ang kuhang video na kumakanta siya kasama ang boyfriend niyang si Rico Blanco.

Malamang magkasama ang dalawa kahapon, araw ng Pasko hanggang gabi dahil ang humingi siya ng dispensa sa mga kapitbahay dahil maingay sila.

Aniya, “Karaoke night with this one @ricoblanco100. Sorry mga kapitbahay.”

Nauna ng i-post ng singer/actress ang duet-video nila ng OPM icon na “Nothing’s Gonna Stop Us Now”.

“Nothing’s gonna stop our impromptu duet,” caption ng dalaga habang pareho silang nagswe-sway kapag kumakanta ang isa.

Umabot sa 262k likes ang dueto nina Maris at Rico at halos iisa ang komento ng followers nila, ‘nakakakilig, sana ol may jowa.’

Ang isa pang post ng dalaga ay ang blurred selfie nila ni Rico na natatawa at nakatakip ang mukha.

Ang iba pang kinanta nina Maris ay ang “I Miss You” ng blink-182 at si Rico naman ang second voice; nag solo naman ang dalaga sa awiting “Welcome To The Black Parade” mula sa My Chemical Romance habang pinanonood siya ng boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Pawang positibo naman ang nabasa namin sa ilang komento ng netizens na umabot sa mahigit 1.2k at nasa 180k likes naman ang video.

Mula kay @jhez.reel09, “Tangina how is it possible that you look so good together??

Sumang-ayon naman si @sherillpasco sa sinabi ni @jhez..reel09, “kaya nga po! Anglaas ng chemistry at sobrang bagay na nakakakilig ng sobra.

Say naman ni @shie_anne, “The way he looked at her while singing. So sweet!”

Sabi naman ni @laila.moscoso, “Ang saya nyo @mariesteller and @ricoblanco100.”

Sana raw lahat ay katulad ni Maris sabi ni @missbloom09, “Sana all Marisssss… Bagay na bagay tlga kayo ni @ricoblanco100. Lakas ng chemistry nyo!. Merry Christmas Guys!”

Nu’ng una ay nabatikos ang dalawa nang aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon noong 2020 dahil sa 24 years gap nila pero ngayon ay bagay na bagay na ang dalawa at hindi halata kay Rico na edad 48 na siya dahil buma-bagets ang itsura at hindi na laging seryoso tingnan, nahawa na sa pagiging bubbly ni Maris.

Sabi nga, ‘age doesn’t matter or age is just a number’ pagdating sa dalawang nagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Rico Blanco mas naging open sa relasyon nila ni Maris Racal pero may ‘itatago’ pa rin sa publiko

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending